CHAPTER 11: SWAYED
NYSSA'S POV
It has been almost a month since school started and I am slowly getting used to the system and facilities of Raven. Although, it's still a puzzle to me why some students keep on whispering every time they see me.
"Maganda ka kasi" sabi ni Danica nang maikuwento ko na sa kaniya ang mga napapansin ko.
Pinuntahan ako nito sa art rooms para samahan akong tapusin ang painting ko gamit ang water color. "Iba talaga eh" sabi ko bago muling isawsaw ang paintbrush sa tubig at tingnan ito mata sa mata.
"Alam mo yung pakiramdam na pinag-uusapan nila yung isang bagay na ginawa mo, pero hindi mo naman alam kung ano ba yung bagay na ginawa mo" paglinaw ko sa nararanasan ko.
"I know the feeling" sagot niya habang naglilibot sa loob. "Hindi kaya dahil sa'kin? Hindi naman siguro...I mean hindi pa naman tayo nag-e-exam eh"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang kinukulayan ang background ng painting ko.
"Usually kasi napapasok sa isang rumor yung mga nagiging kaibigan ko tuwing tapos na ang exam o kaya ay in-announce na yung mga nasa list ng honors" panimula nito. "Iniisip kasi nila na kumuha ako ng answer sheet para ibigay sa kanila"
"Pero hindi ko naman ginagawa yun, nag-ste-stay kaya kami sa Hotel magkakapatid pag malapit na ang exam month" dagdag nito.
"Para hindi niyo makita yung answer sheet?" I asked and she nodded, I took a breath before naming my work and tearing it out of my sketch book and sticking it to the clothesline that we girls made earlier to put our still wet works.
"Uwi na tayo" I nodded before fixing my things and holding her hand.
Dumiretso na muna kami sa locker niya, kukunin kasi nito ang mga libro na aaralin niya dahil quiz week na sa susunod na linggo. "Ayan oh" napatingin kami dun at naalarma naman ang nagsalita at agad na umalis nang tingnan namin ito.
"Natakot ata sila sayo" Danica said before handing me her hand mirror. "Ngumiti ka kasi" she said, I scoffed when I saw my natural resting face. It is not scary, just intimidating. Being scary and intimidating are different. Right?
"Maganda ka, Nyssa. Sadyang di ka lang palangiti" sabi nito at nagkibitbalikat lang ako dahil di ko naman dapat problemahin ang mga ganiyang bagay.
Nang makuha na nito ang kailangan ay bumaba na kami at sabay na dumiretso sa parking area kung saan naghihintay ang Tito niya at si Tay Nathan. Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago tuluyang pumasok sa mga sasakyan namin.
"Okay ka lang ba, hija?" tanong nito at tumango ako bago i-text ang mga magulang ko na pauwi na ko.
After dinner, I started studying and also looked for an idea online for what to do next in my after school activity. I do not really like painting nor have interest in it, so I am having a hard time coming up with an idea for what to do next.
That reminds me of Kimon and Sebastian earlier, grabe ang pagkahanga ni Mr. Alvaro sa kanila kanina. Magaling sila sa totoo lang at sa tingin ko ay nandun lang ang dalawang yun para ma-enhance pa lalo ang mga galing nila.
Kinabukasan pagpasok ko ay katulad lang din ng mga nagdaan na araw, pinagbubulungan na naman nila ako. Nilingon ko sila at agad na natigil ang ginagawa nila, gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko kaya. Di ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya? Umiling na lang ako bago umayos ng tayo tsaka nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Seryoso ka ba?" I heard people whispering in our classroom and when Kimon looked at my direction, he immediately stood up, grabbed my elbow and took me out of the classroom and move me slightly away from it.
BINABASA MO ANG
Vida Mia
General FictionNyssa's only dream is to be a doctor and not a fucking lunatic who stalks, chase and follows the cold and quiet man named Sebastian Velez, he became her inspiration and all but when she finally got tired and decided to just stop chasing him and get...