CHAPTER 21: RECONCILE
NYSSA'S POV
Naging abala ako sa mga nakalipas na linggo sa pag-re-review at hindi na muna namin inintindi ang project sa after school activity at nag focus na muna sa pag-aaral dahil sa nalalapit na exams.
"Oh!" ani ko nang magkasalubong kami ni Danica sa hallway.
Akmang lalapit na ito ay naglakad na ako papalapit sa kaniya at lampasan ito para makapasok sa library at duon mag-review. "Stubborn" napatingin ako sa tapat ko at laking gulat na nakaupo na pala duon si Sebastian.
"Bakit mo ba ko sinusundan?" pabulong kong tanong dito.
"I'm not following you and your stubborn ass" sagot nito, not even trying to be quiet dahil sa mababa na ang boses nito kaya kaunting hina na lang ang kailangan. "Punuan" simple nitong paliwanag at nang tingnan ko ang paligid ay punuan na nga.
"Ba't di ka dun maupo?" tanong ko at napatingin ito sa gawi nina Myla na nakatingin sa kaniya, kinawayan siya nito pero binalik lang ni Sebastian ang tingin sa'kin.
"Why would I sit there? We are not friends-"
"Are we?" tanong ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya.
"So-so" walang kaemo-emosyon niyang sagot.
"Mukhang may gusto sayo si Myla, hindi mo ba siya gusto?" tanong ko bago tapusin ang pag-highlight sa reviewer na prinint ko kagabi.
"Hindi" simple nitong sagot habang hina-highlight ang libro gamit ang ballpen nito, siguro ay nilalagyan lang niya ng guhit sa ibaba.
"May chance?" tanong ko.
"I don't end up loving the person I already hate in the first place" sagot nito na nagpaupo sa'kin ng ayos. Ouch. "She's not my type"
"Ang harsh mo naman" komento ko at nagkibit balikat naman ito. "Ano bang mga tipo mo?" tanong ko.
"Why are you curious all of a sudden?!" tanong nito pabalik at bakas sa mukha nito ang pagiging iritado.
"I want to know you, are we not friends?" sagot at tanong ko sa kaniya.
"Hindi ako tanga, Nyssa" bigla nitong sabi. "You like me" sure niyang sagot na mahina kong ikinatawa.
"You are so full of yourself" komento ko.
"I may not be a mind reader but based on your actions, it obviously states you like me"
"Eh ikaw? Gusto mo din ba ako?" tanong ko at umiling ito.
"You're not my type" sagot nito at pinakita ko na lang dito ng patago ang middle finger ko at nagpatuloy na sa pag-aaral. "Not just stubborn but also childish" dagdag niya at hindi ko na lang ito pinansin.
Makalipas ang isang linggo ay nagsimula na din ang exam week namin at sa unang araw ay panay na ang sulpot ni Danica sa paligid ko hanggang ngayong huling araw.
"Nya-" agad na kong pumasok sa loob ng classroom nang makita si Danica sa labas.
Nang sumulyap ako sa labas matapos ang ilang minuto ay nakatayo pa din ito duon, napangiti ito nang mapagtantong nakatingin ako sa kaniya pero agad din akong nag-iwas at pinagpatuloy ang pag-re-review.
"Oh, pinabibigay" sabi ni Dayton at tinanggap ko ang inabot nito bago tumingin sa labas at sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumiti si Sebastian, at yun ay habang kausap si Danica.
Nang mapatingin sila sa loob ay agad akong nag-iwas bago ipasok sa loob ng bag ko ang inabot ni Dayton at pinagpatuloy ang pag-re-review ko. "Hindi ako nagseselos" bulong ko sa sarili dahil sa naninikip ang dibdib ko sa nakita. "Hindi ako nasasaktan, kasi bakit naman ako masasaktan" pagpilit ko.
BINABASA MO ANG
Vida Mia
General FictionNyssa's only dream is to be a doctor and not a fucking lunatic who stalks, chase and follows the cold and quiet man named Sebastian Velez, he became her inspiration and all but when she finally got tired and decided to just stop chasing him and get...