CHAPTER 15: TRACK AND FIELD
NYSSA'S POV
"Ang ganda" napalingon naman ako nang marinig iyon.
Agad akong napangiti nang bumungad sa'kin si Juliette, hinila nito ang upuan sa tabi ko at naupo duon bago muling pagmasdan ang gawa ko. "Seryoso, Ysa. Ang ganda ng mga kuha mo kahapon" sabi nito at nagpasalamat naman ako bago bumalik sa pag-aayos ng mga pictures.
"Kulang pa yan nuh?" tanong nito.
"Oo, nagkulang kasi ako sa time kahapon eh" sagot ko bago palitan ang file name tsaka ito tingnan. "Itutuloy ko siya ngayong araw para tapos na"
"Tsaka para yung project na lang namin sa after school act ang aalalahanin ko" dagdag ko at napatango naman ito bago kunin ang kamay ko na ipinagtaka ko.
"May meeting ako sa SSC eh" sabi nito matapos maiabot sa'kin ang cup of coffee na galing starbucks.
"Ingat" aniya bago guluhin ang buhok ko.
Ngumiti naman ako bago nagpasalamat dito na nagpangiti na din sa kaniya. "Mag-ingat ka ha!" bilin nito bago tuluyang lumabas sa faculty namin.
"Salamat!" sigaw ko bago bumalik sa ginagawa ko.
Nang matapos at ma-send na ang first half sa in-charge dun sa campus newspaper ay kinuha ko na ang camera ko bago lumabas ng faculty para tapusin na ang mga gawain ko.
Agad akong nagtungo sa soccer field at ginawa na ang trabaho ko. Do you have any player who you sees the potential that in the future this woman will be able to play in the national team?" tanong ko sa coach ng girls soccer team namin.
Ngumiti ito bago ituro ang anak na nagpangiti din sa'kin. "Don't get me wrong ha" panimula nito at tumango naman ako.
"My daughter works her way to be in the team" paglinaw nito. "Hindi ko siya pinasok na lang basta dito at mas lalong hindi ko rin siya tinulungan sa try outs niya"
"Actually nung nag try out nga yang batang yan, wala ako sa Uni eh" sabay naman kaming natawa at maya-maya pa ay kinuha ko ang picture niya kasama ang team.
Matapos duon ay dumiretso na ako sa ibang playgrounds ng school para matapos na ang gagawin ko.
"Tangina..." mahina kong mura nang makaupo na din ako sa bench malapit sa fountain.
Matapos ang tatlong playground ay naramdaman ko na din ang sakit ng likod ko kaya nagpahinga na muna ko. Tinapon ko na din ang cup of coffee na binigay sa'kin ni Juliette dahil ubos na din naman na ito.
Komportable akong naupo at pinikit ang mga mata ko dahil na din sa init ng sinag ng araw, buti na nga lang at madaming puno sa campus kaya hindi rin masyadong ramdam at malakas din ang daloy ng hangin.
"I waited for you all day yesterday" napadilat ako at napaupo ng ayos nang marinig iyon.
Napalunok ako nang magtagpo ang mga mga mata namin ni Sebastian. He was looking at me intently, cold and emotionless. "Huh?" I asked while still dumbfounded by him.
"Kimon informed me that you have this project in your club" panimula nito bago naupo sa tabi ko. "I waited for you all day yesterday because I thought...pupuntahan mo ko" sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko pero hindi pa rin nag-si-sink in sa'kin ang mga sinabi niya.
"Huh?!" tanong ko, gulat at di pa rin alam kung anong nangyayari.
"Nandun yung track and field" pagturo nito kaya napatingin ako sa bandang iyon. "Malapit lang sa faculty niyong mga photographer"
Nang ibalik ko ang tingin dito ay duon ko na tuluyang napansin ang emosyon na pinapakita nito.
Nagtatampo siya!
"Nagtatampo ka ba?" tanong ko para malinawan.
"No" sagot nito at hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil bakas na din ang pagtatampo sa boses nito.
Napatakip naman ako sa bibig dahil sa pagngiti ko bago tuluyang natawa. "Hindi naman talaga ako nagtatampo" diretso nitong sabi sa patuloy pa din na pagtawa kong bulto.
"Hindi nga!" sigaw nito na mas ikinalakas lang ng tawa ko. "Nyssa, stop..." pagsaway nito na ikinabungisngis ko naman.
"Kumalma ka na" sabi nito at huminga naman ako nang malalim pero agad ding natawa nang maalala ang mukha ni Sebastian.
"Nyssa!" sigaw nito kaya napatakip akong muli sa bibig ko.
"Kumalma ka na, malapit na matapos break namin" sabi nito kaya inayos ko na ang sarili at paghinga ko.
Tumayo na ito at tiningnan ang bulto ko na patuloy ko pa ding pinapakalma. "Tara na" aniya at huminga naman ako nang malalim sa huling pagkakataon bago tuluyang tumayo at sabay na kaming naglakad papunta sa playground nila.
"Oh wow!" mahina kong sambit nang makita ang mga ka-grupo ni Sebastian.
Shet!
Todo pigil naman akong ngumiti dahil sa mga lalaking nasa harap ko. Ayaw ko na sa mga basketball player, dito na lang ako sa mga track athlete. Mas guwapo sila! Hahahaha.
"You're drooling" sabi nito kaya napaayos ako ng tayo.
"Hindi kaya" sagot ko bago siya tuluyang iwan dun at dumiretso na sa coach nila.
"Good afternoon po, Nyssa Aetos of the photography club" panimula ko bago ipakita sa kaniya ang ID ko.
Inutusan na muna nito ang mga athlete niya na mag-training bago namin libutin ang playground nila. "Is there any player from the other school that you're excited to compete your players with?" tanong ko habang kinukuhanan ng mga pictures ang athlete niya.
"That would be Marx Santiago from Athens University" sagot nito at napatango ako. "Our main goal for this year is apart from winning, is to beat him" determinado nitong sabi na muling ikinalaki ng mga mata ko.
"It's nice having a conversation with you po, Can I take your picture na po and another one with your athletes" sabi ko.
"Sure, Sure" sagot nito bago inayos ang sarili bago ngumiti nang itutok ko na dito ang camera.
"Boys!" sigaw nito kaya napalingon ako sa mga athletes nito na naglalakad na papunta sa gawi namin.
Shet! Ang popogi! I luv it!
"Boys, this is Nyssa from the photography club" pagpapakila na mismo sa'kin ni Coach at kinamayan ko na ang mga lalaking nasa harap ko.
Okay! Happy na ko! Di na ko pagod hihi!
"Girlfriend ka ba nito?"
"Hindi!" sabay naming sigaw ni Sebastian nang magtanong ang isa sa kanila habang nakaturo kay Sebastian.
"So, you're single?" tanong nito at tumango naman ako bago tingnan ang screen ng camera ko at pinapuwesto na sila dahil sa nag-init bigla ang magkabila kong pisngi matapos iyon itanong sa'kin.
"Three, two, one...smile" sabi ko na agad naman nilang ginawa at kinuha ko na ang mga pictures nila bago nagpasalamat sa kanila isa't-isa.
"Okay boys! Balik na!" sigaw ni Coach TJ at muli akong nagpasalamat dito bago sila talikuran.
"Nyssa..." napalingon naman ako nang marinig ang pangalan ko.
"Hm?" ani ko kay Sebastian na direktang nakatingin sa'kin.
"Ingat ka" aniya bago ako talikuran at bumalik na sa training nito.
"Mag-iingat naman ako kahit hindi mo ko sabihan" mahina kong sabi bago tuluyang umalis sa field.
"Tangina! Ang po-pogi nila!" pagwawala ko nang makalayo na ko sa field, di ko naman maiwasan ang matawa sa sarili dahil dun.
"Hoy! Gago!" sigaw ko bago napahawak sa dibdib ko.
Muntikan na kasing mahulong ang camera na hawak ko dahil sa pagwawala ko. "Okay lang, kaya kitang bayaran" sabi ko at naglakad na tungo sa faculty.
BINABASA MO ANG
Vida Mia
General FictionNyssa's only dream is to be a doctor and not a fucking lunatic who stalks, chase and follows the cold and quiet man named Sebastian Velez, he became her inspiration and all but when she finally got tired and decided to just stop chasing him and get...