CAPÍTULO VEINTINUEVE

5 1 0
                                    

CHAPTER 29: JULIETTE

NYSSA'S POV

"Alam mo..." panimula ni Danica nang makaupo sa upuan namin sa canteen matapos kong ibigay yung niluto kong pagkain para kay Sebastian. "...Ako yung naaawa sa ginagawa mo"

Napabuntong hininga naman ako bago ilabas ang pagkain na para sa'kin. "Gusto mo mag sleepover sa'min?" tanong nito habang nakangiti.

"Wala kasi parents ko sa weekends, anniversary nila tapos isasama nila yung kambal" pag-imporma nito at sumubo naman ako ng pagkain bago nagsalita.

"Eh si Kuya Dave mo?" tanong ko at napatango naman ito.

"Nandun siya sa bahay, hindi naman sila papayag na ako lang mag-isa sa bahay" sagot nito at tumango naman ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Edi ang sama naman pala ng magulang ko" paghabol ko na ikinatawa nito. "Hinahayaan akong mag-isa" natatawa kong sabi bago siya apiran.

Matapos ang klase ay nagtungo muna ako sa faculty ng club namin nang ipatawag kami ni Ms. Dawn.

"Hi" nakangiti kong bati ng pagbuksan ako ni Juliette ng pinto.

Tumabi na ako dito at hinintay na matapos si Ms. Dawn sa tawag nito. "Okay! Sorry to hold you guys" nakangiti nitong sabi nang matapos at maharap na din kami.

"Since malapit-lapit na ang school Intrams" naghiyawan naman ang iba sa'min na ikinatigil ni Ms. Dawn at ikinangiti. "Obviously, kailangan tayo dun"

"Nabasa mo na ba yun?" tanong sa'kin ni Juliette at umiling naman ako.

"Nakita ko pa lang sa page ng school pero hindi ko pa nababasa" sagot ko at napatango naman ito bago ipalibot ang kamay sa may beywang ko.

"But may I know kung sinong mag pa-participate sa mga sports?" tanong ko. "Para alam ko kung sinong itatapat ko sa mga schedule na yun"

Tumalikod ito sandali para kunin ang isang papel at gulat nang muli kaming harapin. "Wala?" aniya na ikinatawa namin.

"Wala talagang sasali sa inyo?" tanong nito bago napabuntong hininga.

"Okay, at least kompleto ang team ko" sabi nito bago kami muling tingnan at bumaba naman ang tingin nito sa may gawi namin ni Juliette.

"Kayo na ba?" tanong nito.

"Po?" gulat kong tanong pabalik at napatingin na din sa'min ang iba at naghiyawan nang makita ang kamay ni Juliette sa beywang ko.

"Hindi po" pagtanggi ko na ikinatawa ni Emma.

"Luh? Tinanggi ka" sabi nito sa kapatid bago natawa at ganun na din ako.

"Okay, okay...Tama na" pagpapakalma sa'min ni Ms. Dawn at nag focus na muli kami dito. "Marami kasing gaganapin sa School intrams bukod sa mga sports"

"Emma and Charlotte" pagtawag nito sa president at vice ng club bago tingnan yung schedule para sa intrams. "Hmmmm, opening day start na kayo tas ilagay ko na din kayo sa Archery and table tennis" nag-notes naman ako bilang secretary ng club.

"Tapos Bella, darts and chess" muli akong nag-type sa chat box ng GC namin para rekta send pagkatapos. "Lilliana, Volleyball both men and women" sabi nito.

"Ysa..." aniya at uminom na muna ako ng tubig bago i-type ang akin. "Basketball and Track-"

"Yes!" mahina kong sigaw na ikinatawa nila kaya napatakip ako sa mukha dahil sa sobrang hiya.

"Ikaw ha..." pangaasar ni Ms. Dawn at natawa naman ako nang kalabitin niya ang beywang ko. "Sino ba dun?" diretso nitong tanong na ikinatawa naming members.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vida MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon