1

304 13 2
                                    

"Hanggang kasal ko ba hindi ka padin uuwi? Aba bumawi ka naman sakin! Ako lagi representative mo kada major meeting" Jihyo whined on the other line.



Natatawa syang tinitignan ni Jeongyeon sa screen.



"Wag ka tumawa jan Yoo, ipakita nyo sa akin ni Nayeon inaanak ko. Hindi ko na ulit nakita yan simula nung mag-one sya. Tsaka hindi pwedeng hindi sya magiging flower girl ko" Jihyo pouted upon mentioning her godchild.



"I'll ask Nayeon and Yeonwo about it okay?" Jeongyeon smiled.



"Bakit need mo pa sila tanungin eh papayag naman yung mga yun. Ikaw lang naman may ayaw na umuwi dito" Offended na sagot ni Jihyo.



"You know that I'm busy here right? Lalo ang daming demands ngayon sa company at mas hectic sheduling ngayon since we are expanding to Europe" Jeongyen defended herself.



"Alam mo, dati natutuwa ako sa idea na mage-expand na tayo sa Europe. Pero ngayon? Kinaiinisan ko na. I hate the idea lalo na ayan ginagawa mong excuse para di makauwi dito" Jihyo deadpanned.



Jeongyeon just heaved out a deep sigh. Kahit kailan talaga ay hindi nagpatalo si Jihyo.



"Miss Park? The meeting is about to start na po" Jihyo's secretary called her.



"Please come home and be my maid of honor Jeongyeon. Ikaw nalang natira sa akin" Jihyo gave her a meaningful smile before ending the video call.



Mariing napapikit si Jeongyeon at sumandal sa upuan.



"Is there a problem hon?" tanong ng kakapasok lang na si Nayeon sa kwarto nila.



"Jihyo is getting married" Jeongyeon sighed, looking at Nayeon who is sitting at the edge of their bed.



"Oh, nasabi nya na pala sayo" Nayeon replied which made Jeongyeon look at her in disbelief.



"At hindi mo man lang sinabi sa akin?" Jeongyeon gasped.



"In my defense, Jihyo unnie asked me na umuwi tayo. Sabi ko it's your decision to make, not mine. Kaya ayun, she told me na wag ko muna daw sabihin sayo na alam ko. Sya na daw magsasabi" Nayeon defended herself.



"What do you think about it?" Jeongyeon stared at Nayeon.



"Anong what do I think? It's your call hon. Besides, ilang taon nadin tayong hindi nakakauwi. Palaging sila ang bumibisita dito sa atin and Yeonwo wants to visit there also" Nayeon replied.



Simula nang magmigrate sila sa US at sumunod si Jeongyeon ay hindi na sila bumalik pa. Ang mga kaibigan at pamilya nalang nila ang naga-adjust sa pagdalaw sakanila sa ibang bansa.



Their family and friends never pressured them and respected their space and decision of not coming back dahil alam nila ang mga pinagdaanan ng mga ito. Nag-iba lang ngayon dahil gusto ni Jihyo na maka-attend sila sa pinakaimportanteng araw nito.



Upon remembering Yeonwo's wish, and Jihyo's, Jeongyeon finally decided.



"A 2-month vacation won't hurt I guess" Jeongyeon shrugged, finally accepting the idea of coming back.



"Will you be okay hon?" Nayeon gave her a smile.



"Why wouldn't I? It's been years. Kailangan tayo naman ang umuwi, kulang nalang isusumpa na nila tayo kasi sila lagi ang pumupunta dito" natatawang sagot ni Jeongyeon.



"If that's what you want then okay. Magshoshopping na kami ni Yeonwo bukas for pasalubongs. Matulog ka nadin para hindi ka malate bukas, may meeting ka pa" Nayeon told Jeongyeon before they sleep.



---



"Ang init mommy" Yeonwo whined as soon as their plane landed.



Natatawa namang lumuhod si Nayeon sa harapan ng anak upang alisin ang coat nito. Mas lalo pa syang natawa nang mapagtantong kulang nalang ay maligo sa sariling pawis ang anak dahil hindi sanay sa bagong klima na nararanasan.



"Aigoo, my poor baby is sweating hard" Nayeon baby talked as she wiped her daughter's sweat.



"Aww kawawa naman ang baby ng mommy, halika nga dito, sakay ka nalang para di ka na mapagod maglakad at di ka pagpawisan lalo" Natatawa ding saad ni Jeongyeon bago buhatin ang anak at iupo sa ibabaw ng mga maleta na nakalagay sa baggage cart.



Natatawa silang dalawa sa itsura ng anak dahil nagmukhang kamatis ang maliit na mukha nito dahil sa pamumula sa init.



"YEONWO!!" Sana and Momo chorused. Nagpaunahan pa ang dalawa na makalapit sa inaanak.



"Hey relax, you might hurt her" Nayeon heartily laugh as she saw how her two best friends showered her daughter with hugs and kisses.



"Akala ko ba miss nyo kami? Bat wala kaming hug at kiss?" pabirong tampong sambit ni Jeongyeon.



"Namiss namin kayo, pero di nyo na kailangan ng hug at kiss kasi malaki na kayo" Momo replied, not batting an eye to the two.



"Grabe, nakakasama kayo loob ha. Tara na Jeong, umuwi na tayo ulit" Nayeon acted hurt and offended.



"Yeonwo, kanino ka sasama? Sa dalawang mommy mo na ang tanda tanda na madrama padin o saming magaganda mong ninang?" Sana asked her godchild.



"Syempre po sa magaganda kong mga ninang" the kid proudly answer.



Momo and Sana sticked out their tongue sa hindi makapaniwalang Nayeon at Jeongyeon.



Jeongyeon and Nayeon are happy to see their daughter getting along with their friends. Close na close ang bata sa mga kaibigan nila. Kung spoiled na ang anak nila sa kanila ay mas lalong spoiled ito sa pamilya at mga kaibigan nila na labis nilang pinagpapasalamat.



Isa ding rason kung bakit nagpursiging matuto magtagalog si Yeonwo ay para daw hindi sya mahirapan makipagusap sa pamilya nila at mga ninang sa Pilipinas.



Matapos mag-lunch kasama si Sana at Momo ay dumiretso na sila Jeongyeon sa bahay ng mga Im kung saan naroon ang mga magulang ni Nayeon na tuwang tuwa na makita at makasama ang apo. Doon napagpasyahang magstay nila Nayeon. Si Jeongyeon naman ay balak ding umuwi sa bahay nilang mga Yoo dahil nandoon ang kapatid nya.



Hindi naman tumutol ang anak nila sa set up dahil maging sya ay salitang lilipat para makasama at makabonding nya ang lahat. Ang bata pa nga ang nagrequest na kung pwede ay weekly syang magpalipat lipat.



"Behave here okay? Wag mo pasakitin ulo ng mommy mo pati nila mommyla at daddylo okay? Next week sa amin ka naman ni Tita Seungyeon mo" Nakangiting paalala ni Jeongyeon sa anak bago ito yakapin ng mahigpit.



"Will she really be fine sa ganitong set up?" Jeongyeon watched her daughter run away, papunta ito sa garden kung nasaan ang lolo at lola.



"Hon. She requested for it. Tsaka kung makapagalala ka naman jan eh araw araw ka padin namang pupunta dito" natatawang ismid ni Nayeon.



Jeongyeon hated the set up at balak nalang sanang bumili ng bahay para magsama sama silang tatlo dahil ayaw nyang mawalay kahit saglit sa anak ngunit tumutol si Nayeon dahil bukod sa request ng anak nila ay masyado pang magastos kung bibili si Jeongyeon ng bahay na hindi din naman nila matitirahan ng matagal lalo't babalik lang din naman sila sa US.



"Fine" Jeongyeon heaved a deep sigh.



"You should go now, pagabi na din, maaga pa tayo bukas for lunch out with Jihyo unnie"  Nayeon hugged Jeongyeon bago ito umalis.



Jeongyeon drove away with a heavy heart, leaving Nayeon and Yeonwo behind.





Glimpse of UsWhere stories live. Discover now