"Yoo Jeongyeon!!!" Nayeon shouted from the living room.
Dali daling tumakbo si Jeongyeon papasok sa loob. Natutulog kasi sya sa garden hammock. Halos mapasubsob pa sya sa sobrang pagmamadali at hindi pa nakaka-recover sa biglaang paggising
"Yes hon? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni Jeongyeon habang himas himas ang malaking tyan ni Nayeon.
"Wala, namiss lang kita" Nayeon giggled kaya napangiwi nalang si Jeongyeon.
After two years of getting married, Nayeon and Jeongyeon decided to have a baby again through IVF. Hindi na sila nageexpect na may mabubuo pa dahil mababa na ang successful rate ngayon kumpara nung sa kambal pero sinubukan padin nila.
But unlike before na isang beses lang, sinubukan nilang gawin ang proseso ngayon ng tatlong beses, at sa pangatlong beses na yun ay may nabuo na. Wala na sana silang balak din sundan ang naunang proseso nung malaman nilang wala pang nabuo pero para bang may nag-uudyok at bumubulong sakanila parehas na subukan nila nang subukan ulit hanggang sa magkaroon.
Kaya grabe nalang ang tuwa ng lahat nang sa wakas ay buntis na ulit si Nayeon. Eto nadin ang huli nyang pagbubuntis kaya doble at halos triple ang pag-iingat nilang lahat.
Ang kambal nila na ngayon ay magli-limang taon na ay kasama ngayon ng mga magulang ni Nayeon sa Hongkong. Isinama nila ang mga apo nila dahil kailangang mag-focus ni Jeongyeon kay Nayeon at hindi nya matututukan na mabantayan ang kambal lalo na at kabuwanan na ni Nayeon.
"Hon naman, wag kang sigaw nang sigaw at malikot dahil baka biglang mapalabas si baby ng wala sa oras" Busangot na sambit ni Jeongyeon.
"Kahit excited na ko lumabas anak natin eh kailangan naman nating antayin yung mismong panganganak mo" dugtong pa ni Jeongyeon habang inaalalayan ang asawa na makaupo sa sofa.
"Relax, strong kami ni baby" Nayeon pinched Jeongyeon's nose.
"Don't give me that kind of answer Im Nayeon. We need to be extra careful just like how the doctor advised okay?" Sagot ni Jeongyeon.
"Yes mam!" Nayeon playfully salutes kaya natawa nalang si Jeongyeon.
Bago pa man makaupo si Jeongyeon ay napansin nya ang isang kahon na nakapatong sa coffee table.
"Ano to?" Kunot noong tanong ni Jeongyeon habang nakatingin sa kahon.
YOU ARE READING
Glimpse of Us
FanfictionYoo Jeongyeon finally built everything again, from her shattered heart, hope and courage to come back from where it all started. Book 2 of Home. Date Started: June 24, 2022 Date Ended: July 18, 2022