20

128 11 0
                                    

"What if we ditch the party and let's just stay here?" Jeongyeon asked Nayeon who is busy preparing their things.



"That would be so unprofessional Yoo Jeongyeon" Nayeon crossed her arms, not happy with the idea.



Jeongyeon sighed in defeat. She and Nayeon will be leaving to go to New York. Isang fund raising event iyon kung saan puro babae na may matatas na posisyon at kilala ang aattend. Isa din sya sa sponsor kaya kailangan nyang umattend.



"How about Yeonwo?" Jeongyeon pouted, trying to reason out.



She doesn't want to leave the kid behind kahit na pumayag naman itong maiwan sa lolo at lola nya.



"Jeongyeon, Yeonwo will be staying at my parents house. You don't have to worry okay? 3 days lang din naman tayong mawawala. Babalik din tayo agad. Kung gusto mo after party, umuwi na tayo agad. Pero wag naman yung hindi natin sisiputin. You represent the company" panenermon ni Nayeon.



"Now get up, maligo ka na bago pa tayo mahuli sa flight natin" utos ni Nayeon.



Wala nang nagawa pa si Jeongyeon kung hindi ang sumunod nalang kahit na mabibigat ang yabag nya patungong CR na parang nagdadabog na bata. Napailing nalang si Nayeon.



Matapos ang mahabang pamamaalam ni Jeongyeon sa anak ay nakaalis na sila.



Nung una ay hindi kumikibo si Jeongyeon sa byahe. Tahimik lang ito at may sama ng loob pa dahil naiwan ang anak nila kaya magkahalong sermon at panunuyo ang ginawa ni Nayeon na naging effective naman.



Mas lalo tuloy naging desidido si Jeongyeon na mag-resign na para makaiwas sa mga ganitong party at para maituon nya lalo ang oras nya para kila Nayeon at Yeonwo.



Nakarating na sila sa hotel sa New York kung saan sila nakacheck-in at kung saan gaganapin ang naturang party.



Nagpahinga muna sila dahil gabi pa naman ang party. They also waited for Moonbyul and Solar who are also attending.



"What's up?" Moonbyul beamed as soon as she saw Jeongyeon with Nayeon.



"Byul!!!" Jeongyeon beamed like a kid.



Nagyakapan naman ang dalawa agad na parang mga teen ager kaya natatawa parehas ang mga partner nila.

Glimpse of UsWhere stories live. Discover now