Three years later
"Good morning love. Kamusta ka jan sa taas? O ayan ha, another day to be proud of me because I'm still alive and kicking" Jeongyeon playfully chuckled as she stared at Yeonwo's picture.
It's been three years but her love for her daughter is still there. Sa loob ng tatlong taon na yun ay araw araw syang bumabangon at lumalaban para sa sarili. Ginawa nyang inspirasyon at lakas si Yeonwo sa bawat araw na paggising.
Jeongyeon left everyone. She cut everything and she decided to be alone where no one can contact or find her. Ang bagong cellphone nya ay naglalaman lamang ng music application, walang social media. After sending a message to everyone she treasures, she shut herself down to everyone.
Hi,
I know that you guys will look for me but please don't. I need to do this alone. I know na nag-aalala kayo sa akin and I'm very thankful for that. I'm very much thankful for your concern. I want to run away again, alone. I need to win this fight alone so please trust me. I promise that I won't harm myself again. I just needed to breathe air in my own way.. in my own phase. I promise I'll come back to you guys, and this time, I'll come back better.
She sent that message to everyone like a group message. From Jihyo, Mina and her sister Seungyeon because she knows that they will understand her choices. Hindi na sya nag-abala pang sendan si Nayeon ng message.
After attempting suicide, and after Mina knocked sense on her, she decided to leave alone. Si Mina palang ay nakita nya na kung paanong masaktan at pagsakluban ng langit at lupa ng tinangka nyang magpakamatay, paano nalang kung maulit? Paano na yung mga nag-iisip sakanya? Ayaw nyang masaktan pa ang mga taong yun kaya nagdesisyon syang magpakalayo layo.
Dumating din sya sa puntong kumunsulta sa psychiatrist. Jeongyeon fell into a depression. Alam nyang kahit anong gawin ng mga kaibigan nya sa paligid nya na pagsalba sakanya, kung hindi nya pipiliting isalba ang sarili nya ay walang mangyayari.
Sa bawat araw na mag-isa sya ay hirap na hirap sya ngunit ipinagpatuloy nya. Mina is right, Yeonwo will be dissapointed at her if she give up and she doesn't want to dissapoint her daughter kahit na wala na ito.
Jeongyeon accepted her ending with Nayeon. Araw araw nyang ipinagdadasal na sana ay masaya at okay ang babae.
She didn't even try to date again. Nayeon already has her heart and love. She tried her best to not contact her friends and ask about Nayeon because she needs to accept the whole truth, the truth that just like Mina before, her chapter with Nayeon has already ended.
Pero hindi kagaya kay Mina, hanggang ngayon ay si Nayeon padin. Si Nayeon padin ang mahal, minamahal at mamahalin nya hanggang dulo.
Jeongyeon bought a beach house in Santa Monica, California. Doon sya tumira mag-isa sa loob ng ilang taon. Santa Monica is just an hour away from Glendale, where she, Nayeon and Yeonwo lives before.
She decided to buy a beach house dahil gusto ni Yeonwo noon na magkaroon sila ng bahay sa tabi ng beach.
Pinili ni Jeongyeon na bumalik at manirahan sa California ulit dahil paminsan minsan syang dumadaan sa bahay nila. Hindi nya alam ay minsang nandoon si Nayeon kasama ang kambal nila. Hindi lang nagkakatagpo ang mga landas nila.
Dahil pati tadhana ay pinipigilan na na wag silang magkita ulit, just like how Jeongyeon stopped herself from running after Nayeon.
Wala din naman syang lakas ng loob na pumasok sa dati nilang bahay dahil hindi nya pa kayang harapin ang alaala ng nakaraan kung saan masaya sila kaya hanggang daan at sulyap nalang ang ginagawa nya ngunit hindi din sya nagtatagal.
YOU ARE READING
Glimpse of Us
FanfictionYoo Jeongyeon finally built everything again, from her shattered heart, hope and courage to come back from where it all started. Book 2 of Home. Date Started: June 24, 2022 Date Ended: July 18, 2022