The groundbreaking ceremony is now finished. Jeongyeon can't wait to finish all of the pending paperwork before she finally goes home.
Kaliwa't kanan ang natatanggap na papuri ni Jeongyeon mula sa iba't ibang mga negosyante at investors. Madami pa ang gusto makipag-partner sa kanya ngunit simple lang ang nagiging sagot nya, na idaan nalang lahat kay Jihyo ng business proposals.
Nagtataka man ang mga ito sa sagot nya ay sumang ayon nalang ang mga ito. Little did they know, Park Jihyo will be the next CEO of Yoo Group of Companies.
No one knew about Jeongyeon's plan on resigning except for the Im's. Maging si Jihyo ay wala pading kaide-ideya. Hindi pa sinasabi ni Jeongyeon dahil baka ma-stress ito sa sasabihin nya, iniiwasan pa naman nilang mag-over react ang babae dahil tatlong buwan na itong buntis. Plano sabihin ni Jeongyeon ang resignation nya kapag nakapanganak na si Jihyo.
For now, her plan is to resign and make Jackson, her cousin the acting CEO before she turns over the position to Jihyo after she gives birth.
Ilang tawag at message na ang ginawa ni Jeongyeon kay Nayeon ngunit hindi ito sumasagot. Ang huling update nito sakanya ay matutulog ito ngunit anong oras na. Hindi naman nag-aalala si Jeongyeon dahil alam nyang pagod din ito galing sa meeting para sa sarili nitong negosyo at sa pag-aalaga sa anak nila. Minsan din ay hindi na sila nakakapag-usap nang matagal dahil minsan ay sumasama lagi ang pakiramdam ni Nayeon. Akala nga ni Jeongyeon ay may nabuo na ngunit ayon naman kay Nayeon ay wala pa syang nararamdamang kakaiba kagaya nung naramdaman nya nang ipagbuntis nya si Yeonwo.
Naging mas lalong busy si Jeongyeon bago ang pag-uwi. Jackson even flew to London para mas maturuan ito ni Jeongyeon tungkol sa mga trabahong iiwanan. Jeongyeon wanted to pass everything down to Jackson ng maayos at walang iiwanang problema. Naging madalang ang pag-uusap ni Nayeon at Jeongyeon ngunit wala iyong problema dahil alam nilang parehas silang may mga importanteng inaasikaso.
Jeongyeon even joked about extending her stay for a month because she wanted to surprise Yeonwo and Nayeon. Nagdahilan syang nagkaroon ulit ng problema at hindi pa sya makakauwi pero ang totoo ay nasa airport na sya at inaantay nalang ang boarding nya.
Malaki ang ngiti ni Jeongyeon nang makababa sya sa taxi, walang may alam na ngayon ang uwi nya. Excited syang ibalita kay Nayeon na okay na ang lahat. Bitbit ang mga gamit at pasalubong ay dire diretso syang pumasok sa bahay nila. Nagtataka sya dahil sa katahimikan dahil alam nyang nadoon naman si Nayeon at Yeonwo. It's only 2 in the afternoon. Umakyat sya upang tignan kung nasa kwarto ba ang mga ito ngunit wala din. Wala namang nasabi si Nayeon na aalis sila.
Agad nyang kinuha ang cellphone nya upang tawagan sana si Nayeon at tanungin kung nasaan ang mga ito ngunit narinig nya na may nag-park na sasakyan sa garahe nila kaya napatingin sya sa bintana. Nakita nyang bumaba mula rito si Nayeon kaya't malawak ang ngiti nyang tinakbo ang daan pababa para salubungin ang mag-ina nya.

YOU ARE READING
Glimpse of Us
FanfictionYoo Jeongyeon finally built everything again, from her shattered heart, hope and courage to come back from where it all started. Book 2 of Home. Date Started: June 24, 2022 Date Ended: July 18, 2022