Nayeon is trembling as she carries Yeonwo in her arms. Pinilit nyang tatagan ang loob na wag madapa habang naglalakad sa pasilyo ng ospital.
"Mam, what happened po?" Agad syang dinaluhan ng mga nurse sa emergency area.
"I don't know... she just....." Hindi na natuloy ni Nayeon ang pagsasalita dahil naiyak na sya dahil sa takot at taranta.
"Mam, relax, we need to know what happened to your daughter po" Pagpapakalma sa kanya ng isang nurse habang nakahiga na sa kama ang anak at chinecheck ng ibang nurse.
Nayeon told the nurse that Yeonwo collapsed all of a sudden. Wala syang ideya kung bakit. Nahintakutan sya nang makita kung gaano kaputla ang anak.
She tried calling Jeongyeon but the girl is in the middle of her meeting with the big investors kaya hindi ito makasagot.
"What happened here?" Isang boses ang agad nakapapalingon kay Nayeon.
"Nayeon?"
"Mina?"
Gulat na napatingin sila sa isa't isa. Agad ding napalingon si Mina sa batang nakahiga sa kama at tinitignan ng mga nurse.
"What happened to her Nayeon?" Puno ng paga-alalang tanong ni Mina habang tinitignan ang putlang putla padin na bata.
"I don't know Mina. Please.. please check on her" Iyak ni Nayeon sa kanya.
"I will. Please relax okay? We will run some tests on her. Dito ka lang okay?" Mina reassured Nayeon who is still trembling in fear.
Balisang nakaupo si Nayeon sa waiting area habang inaantay si Jeongyeon na ngayon ay alam na ang nangyari.
Halos paliparin naman ni Jeongyeon ang kotse sa sobrang pagmamadali na makapunta sa ospital kung saan isinugod ang anak. Punong puno ng takot at kaba ang puso nya.
"Nayeon!!!" Jeongyeon rushed to Nayeon who is still crying.
Agad na napayakap nang mahigpit si Nayeon sa bagong dating.
"Anong nangyari sa anak natin? Is she okay? Where is she?" Sunod sunod na tanong ni Jeongyeon, bakas ang matinding takot sa mukha.
YOU ARE READING
Glimpse of Us
FanfictionYoo Jeongyeon finally built everything again, from her shattered heart, hope and courage to come back from where it all started. Book 2 of Home. Date Started: June 24, 2022 Date Ended: July 18, 2022