Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nalaman ko. May kapatid si Law, at ngayon muling nagbabalik.
Nakasunod pa din ako sa kanila ni Fritz, hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit at nakaover size t-shirt lang. Nagtungo kami sa hall kasi tatagpuin namin ang kapatid ni Law. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako na may halong excitement, maybe I'm excited to see Law's brother at kinakabahan din ako sa hindi mapaliwanag na d
Napatigil ako sa paghakbang ng tumigil din sila sa paglalakad. Nilingon ako ni Law at tinignan, head to toe. Napansin ko ang pagbuntong hininga nito at mabilis na humakbang palapit sa akin.
Nang makalapit sa akin at nakatuon pa rin ang mga mata niya sa akin.
Ang tangkad niya.
Ang tangkad niya talaga. Nagmumukha tuloy akong pandak dahil sa tangkad niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagpantay ang mukha namin.
"Your not coming." saad niya na ikinakunot ng noo ko. Ano? Hindi niya ako isasama. Hindi pwede, I'm excited to meet he's brother.
"B-But why!?" taka kong sabi. Ang unfair naman siguro no, kung sila katatagpuan ang kapatid niya tapos ako hindi.
"Basta. Hindi ka sasama." sabi nito bago tumalikod. Tutol pa sana ako sa sinasabi nito ng bigla na lang itong nagsalita. "Your bleeding, look at your back." sinulyap ako nito bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
Anong pinagsasabi niyang your bleeding. Napaisip ako, at nang magets ko ang sinabi niya at mabilis na tinignan ang likudan ko, and I see blood.
May regla ako!
Bakit ngayon ko lang ito napansin, wala naman ito kanina ah! Kingina! Kahiya.
Tumingin si Fritz sa akin kaya nahihiyang nginisian ko na lang siya. "Go and change baby girl." saad niya bago nagpatuloy sa paglalakad at sumunod kay Law. Naiwan ako kaya mabilis ang kilos ko at naglakad papuntang dorm ko.
Nang makarating ako dorm ay mabilis akong nagpalit at nagsuot ng napkin. Kaya pala parang ang lagkit at basa yung ibaba ko, may regla pala ako.
Nakita ko si Kailani na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape, mukhang bagong gising pa at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Anong problema niya? Nakita ko rin si Elies na nasa higaan ko at natutulog. Dito pala siya natulog.
Naupo ako sa kaharap na sofang inuupuan din ni Kailani. They way she look at me, alam kong susumbatan na naman ako nito.
"Sa'n ka natulog kagabi? Sa'n ka nagpunta kagabi, bigla ka na lang nawala?" sunod-sunod nitong tanong. Sabi ko na, magtatanong talaga siya.
Humugot ako ng isang malalim na hininga, bago nagsimulang magkwento sa kaniya. Habang nagkukwento ako ay nagtempla na rin ako ng kape para uminom. Habang nagkwekwento ako ay panay tili rin si Kailani, dahil kinikilig.
"Ako, may kwento rin ako sayo." nakangisi niyang sabi. Nacurios naman ako at hinintay na magkwento siya. Halatang kinilig ito dahil namumula ang magkabilang pisnge nito." Wait lang, hindi pa rin talaga ako makamove-on!" para akong nabinge sa biglaang pagtili nito. Napapadyak pa ito na parang baliw. "Ano kasi...ano nagk—" naputol ang sasabihin nito at nag-iba ang itsura ng sumabad si Elies.
"Nakiss sila ni Prince Demon kagabi." sinamaan ng tingin ni Kai si Elies na kakagising lang. Nang-aasar naman akong tumingin kay Kai, sobrang namumula ang mukha nito.
"Namumula pala talaga ang mukha pagnahalikan ng crush no?" tanong ko kay Elies. Natawa naman ito.
Kaagad naman akong napatingin sa gilid ko nang may biglang humampas sa braso ko, medyo nagulat ako sa ginawa nito at nang tignan ko ay si Kai pala.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasyIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...