"Cold... pakiusap wag mo siyang patayin. Anak, pakiusap wag mong patayin ang kapatid mo..."
Natigilan ako sa narinig at parang bumalik sa normal na pag-iisip ang utak ko. Ang kaninang si Katana na sakal-sakal ko ay nabitawan ko. Paubo-ubo ito nang bumagsak sa lupa.
Bumaling ang tingin ko sa lalaking may katandaan na nakatingin sa akin. Hinarap ko ito, si Daddy. Paano siya nakapasok dito, dahil sa pagkakaalam ko bawal pumasok dito ang mga taga labas lalo na kapag hindi mga estudyante o taga gobyerno.
Nanlalamig pa rin ang pakiramdam ko pero kaya ko na, kaya ko nang kontrolin ang sarili ko. Kanina lang nawala na talaga ako, ang tanging nasa isip ko lang kanina ay patayin si Katana. 'Di ko tuloy mapigilang mapaiyak lalo na at nakalimutan ko si Kailani, ang kaibigan ko na k-kapatid ko din pala.
Pinahid ko ang luha pumatak sa aking mata at walang imosyon na tinignan si Dad.
"Bakit? Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?! Bakit ngayon mo lang pinaalam sa akin na ngayon nagiging mahirap na sa akin ang lahat?!" sunod na sunod na tanong ko. Sa totoo galit na galit ako ngayon. Ang dami kong nalaman, ang hirap iproseso nang lahat.
Humakbang palapit sa akin si Dad pero umatras ako para bigyan distansya ang pagitan namin at nang hindi siya makalapit sa akin.
"Niloko mo kami ni Mommy?!" napaiyak na ako. "May iba ka pa lang pamilya?! Ikaw! Ikaw ang dahilan kong bakit namatay si Mommy!" pinigilan ko ang imosyon ko dahil baka siya masaktan ko.
Aktong lalapit siya sa akin at hahawakan niya ako nang pigilan ko siya.
"Don't. Please don't, Dad. Wag kang lumapit sa akin o magtangkang hawakan ako kung ayaw mong masaktan." babala kong saad dito.
"Patawad. Patawad anak..." para may pumiga sa puso ko nang makitang may tumulong luha sa kanyang mga mata. Umiwas ako nang tingin habang pinapahid ang mga luha kong kumawala rin. Ayaw ko siyang tignan, dahil sa tuwing titignan ko siya ay naaawa ako at nagagalit sa kanya.
He lied to me for almost 18 years, at nagagalit ako sa ginawa niya.
"Patawarin mo ako anak... ayoko kasing masira ang pamilya natin." umiiyak nitong saad.
"Gustuhin mo mang hindi masira ang pamilya natin! May sinira ka pa ding pamilya!"
"Hindi mo kasi naiintindihan. Sa simulat una pa lang ay ang Mommy na talaga ang mahal ko. Kayo! Kayo ang gusto kong makasama, ikaw at ang Mommy mo." saad nito.
"Eh paano sila? Paano yung pamilyang iniwan mo dahil pinili mo kami ni Mommy? Hindi mo ba inisip na baka masaktan din sila dahil pinili mo kami ni Mommy. Katulad ko, gusto din nila nang buong pamilya..." pumiyok ang boses ko. "Kasalanan mo talaga ito, kung hindi ka nagloko edi sana wala kang kahaharapin na problemang ganito." kabastusan man ang mga salitang lumalabas sa bibig ko ay hindi ko yon pagsisihan na sinabi ko yon dahil totoo naman ang sinasabi ko.
"Pati si Mommy nadamay pa. Namatay siya dahil sayo! Your the reason kung bakit maaga siyang nawala!"Hindi ko mapigilang sumbat sa kanya.
Napaluhod ito sa lupa habang umiiyak.
"Patawarin mo ako. Pero anak..." puno pagmamakaawa ang mukha niyang nakatingin sa akin. "sana hayaan mo naman akong magpaliwanag..."
"Ano pang silbe nang paliwanag mo kong alam ko na ang totoo."
Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Niloko kami ni Daddy, namatay si Mommy dahil siya ang pinaghigantehan nang pamilyang iniwan ni Daddy dahil kami ang pinili niya. Tapos ngayon malalaman kong kapatid ko pala si Katana at Kailani, ang hirap. Ang hirap.
BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
ФэнтезиIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...