Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Law nang bumagsak ako sa lupa. Pigil na pigil ako sa sarili ko at natatakot ako sa sarili ko at sa mga possibleng mangyari kong hindi pa titigil si Katana sa mga pinagsasabi niya.
Naguguluhan at nasasaktan ako. At ngayon malalaman kong siya at ang Mommy niya ang dahilan kong bakit namatay si Mom.
"Cold, fuck!" Mura ni Law nang hawakan niya ako sa braso. Nagsisimula na kasi akong manlamig.
Nakakuyom pa rin nang mahigpit ang mga kamay ko at pinipilit na tumingin kay Katana. She was laughing na parang baliw.
"You killed my Mom." saad ako. Naiiyak ako. Sa totoo hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan nang pagkamatay ni Mommy, sinabi lang din kasi nang mga pulis na naaksidente daw ang sinasakyan nitong kotse.
Nagdrive raw kasi itong lasing na sigurado akong hindi gawain ni Mom. Hindi kasi umiinom si Mom lalo na pag nagdradrive kaya nakakapagtaka lang.
Tapos ito pa. Halos hindi namin mamukhaan si Mom nang makita namin ang mukha niya matapos ang aksidenteng, parang sinadyang sunugin ang mukha niya kaya 'di namin ito makilakilala.
" Bakit niyo pinatay si Mom? Bakit?!" pasigaw kong tanong. Hindi ko talaga alam kung anong konektado nila sa pamilya namin.
"Dahil siya ang dahilan kung bakit na wasak ang pamilya namin! You." duro niya sa akin. "And your Mom is the reason kung bakit nawasak ang pa—" hindi niya natapos ang sasabihin nang may biglang sumigaw.
"Katana! Can you just please stop!" malakas na sigaw ni Law. Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang lingonin niya si Katana at sigawan pero mabilis din nawala at bumalik sa dating maamo at nag-aalala ang mukha niya nang makaharap ulit sa akin.
"At bakit?!"
Walang anumang salitang lumabas sa bibig ni Law habang nasa akin pa rin ang atensyon niya.
Naramdaman kong sinapo nito ang mukha ko.
"Control your self baby." mahinahon ang boses niyang utos sa akin.
I really need to control my seft kung hindi baka mangyari na naman yung mga nangyari dati. Hindi naman malala yung nangyari nung nawalan ako nangkontrol dati pero natatakot ako ngayon. Natatakot ako. Bakit kasi sa tuwing nasasaktan ako at saka ko lang hindi nakokontrol ang sarili ko. Lumalabas ang lakas nang kapangyarihan ko kapag nasasaktan ko.
Nakapikit ang mata ko habang pinapakalma ang sarili.
Kaagad akong napadilat nang may maramdaman akong humaplos sa likuran ko. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Mrs. Casul, puno nang pag-aalala ang mukha niya habang hinahaplos ang likuran ko at ang nakakapagtaka lang ay dahil sa mga simpleng paghaplos niya ay dahan dahang kumalma ang sarili ko.
"Calm down baby, nandito lang ako." mahina pero rinig na rinig nang taenga ko ang sinabi niya.
May bigla tuloy akong naalala dahil sa sinabi niya. Yung mga salita na yon, yon ang mga madalas na salitang sinasabi ni Mommy sa tuwing pinapakalma niya ako.
Di naman nakaiwas sa tingin ko ang mga matang nakatitig sa akin ni Film. May kakaiba sa titig, parang nag-aalala, galit, at selos ang nakikita ko sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Nang mahuli ko siyang ganoon ang mga titig niya sa akin ay mabilis na napalitan nang kakaibang expresiyon ang kaninang mga mata. Ngayon, hindi ko na ito mabasa, blangko na ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Napakagandang tanawin, Hahaha." nagsalita na naman si Katana. "Pinapakalma. HAHAHAHA. Kawawa ka naman, hindi mo alam Cold na lahat nang mga taong nakapaligid sayo at nagpapakalma sayo. Lahat sila ay nagsisinungaling at nagpapanggap lamang."

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasyIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...