CHAPTER 4

355 22 1
                                    

Kaaagad kong niyakap si Dark nang makapasok ako sa kwarto namin. Malungkot pa din ako dahil hindi ko nakita ang kwentas.

"Dark, nawala ko yong kwentas." sabi ko habang hinahaplos ito.

"Yon pa naman ang natatanging bagay na alaala ko kay Ale." kinuha ko si Dark at binuhat ito at hinarap sa akin. "Sa palagay mo Dark mahahanap ko pa kaya ang kwentas?" para akong baliw at kinakausap ang lion.

Oo. Dark is a lion, a draft lion. Sila yong mga lion na maliliit lang at parang pusa kaya nga tinawag na draft lion kasi maliliit lang sila. Hindi sila lumalaki. Wala nang masyadong mga draft lion dito sa mundo kasi unti-unti na din silang nauubos dahil kawalan nang matitirhan at dahil na din sa mga tao. Tinatawag ng mga tao na masasama ang mga draft lion, takot din sila sa draft lion pero sa totoo mababait naman ang mga draft lion, wag niyo lang sasaktan.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Kailani.

"Hinanap kita, nandito ka lang pala, tsss." nakanguso nitong sabi. "Nahanap mo ba ang kwentas?"

"Hindi."

"Paano yan? 'Di ba importante sayo ang kwentas na yon?"

"Oum pero bahala."

Naupo si Kailani sa tabi niya at hinawakan din nito si Dark.

"May tanong ako?"

Napatingin sa kanya si Kai.

"Ano?"

Nagdadalawang-isip siya kong magtatanong ba siya o hindi.

"Ah wala, 'di naman importante."

"Sige na. Ano yon?"

"About sa Stronger Demon. Sino-sino ba sila? At anong meron sa kanila at parang kinatatakutan sila dito sa Demon University."

Naupo nang maayos sa tabi niya si Kai. Nakapatong ang dalawang paa nito sa kama.

"Stronger Demon?" tumango siya. "Ang Stronger Demon is sila yong mga gifted students like you,"

"Ba't nasali naman ako?"

"Because your gifted may kapangyarihan ka I'm sure masasali ka sa Stronger Demon tapos pagnasali ka sa mga ginagalang dito sa University ay madalas mo nang makikita si Pres" May pang-aasar ang boses nito.

"Tigilan mo nga ako, Kailani." Natatawa kong sabi. "Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Okay. Binubuo ang Stronger Demon nang limang matatapang at malalakas na mga estudyante. Ang pinakapinuno nila ay si Pres o si Prince Law Laurence Darker, siya ang pinakagaling sa lima, may kakayahan siyang makapaglaho kaya bigla na lang siyang mawawala at maglalaho. Siya rin ang inatasan nang gobyerno na mamuno sa Demon University. Ang pangalawa naman ay si King Demon o si West Anderson, may kapangyarihan siya na magpagalaw o magpalitaw nang mga kahit anong-anong bagay kahit sarili niya kaya niyang palitawin, magaling din siya pagdating sa pakikilaban at siya rin ang parang umaastang Dean dito, before ka makakapasok sa D.U sa kanya ka unang pupunta. Pangatlo naman si Fritzgerald Carter, the one who guard the whole Demon University. May kakayahan kasi ito na kumilos nang napakabilis at napakalakas din nang pandinig nito. Pang-apat ay si Prince Demon,"

"Prince Demon?"

"Oo, hindi mo pa siya nakikita no?"

Umiling siya. "Hindi."

"Si  Prince Demon o sa totoong pangalan niya ay si Zachary  Martinez, may malaki siyang pakpak he really looks like a handsome demon angel. Siya ang pinakacrush ko sa lahat." kinikilig na sabi ni Kailani kaya natawa na lang ako nang bigla na lang akong nitong hambasin sa braso. "Wag mo siyang aagawin sa akin ha? Makunte ka kasi may Fritz at Law ka na." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kailani.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon