CHAPTER 29

175 10 2
                                    

PRINCE LAW LAURENCE DARKER POV.

(A/N: Pov na talaga ni Batas ngayon but still mukha pa rin ni Film ang gamit at itsura niya.)

Narinig ko ang lahat na pinag-uusapan nilang magpamilya. Alam ko na dati pa na buhay pa rin ang Mommy ni Cold, isa ako sa mga dahilan kong bakit siya naligtas. Tinulungan namin siya ni Kai at pinalabas na namatay na nga siya. Gumamit kami nang ibang katawan para akalain nilang si Mrs. Winters yon.

Matagal naming tinago ang tungkol dito. Matapos din ang pagkamatay ng ina ni Kai ay niyaya namin siyang maging principal ng Demon University at pumayag naman ito.

Lumipas ang ilang taon ay nabalitaan naming pumasok si Cold sa Demon University. Nagbayad ang Daddy niya nang 500 thousand para makapag-aral siya. Nung panahon na din yon ay hindi din alam ni Mr. Winter na buhay pa ang asawa niya. Sa totoo wala talagang kasalanan si Mr. Winter, hindi naman talaga niya mamahalin si Katrina ina nila Katana at Kailani, kung hindi siya inakit nito sa pamamagitan nang spell at mga salita na pwedeng gamitin ng isang witch para mapaibig ang lalaking gusto nila. Ginamitan din ako dati ni Katana non kaya napaibig niya ako pero kaagad din yung nawala dahil sa tulong ni Kai.

Kaya nga isa sa mga dahilan kong bakit kami nagpalit ng anyo ni Film ay dahil baka muli na naman akong akitin ni Katana sa pamamagitan ng spell. Si Film kasi hindi siya tinatablan nang spell ni Katana kaya kami nagpalit. Siya nagpalit bilang ako at ako nagpalit bilang siya.

Ang kaninang sakit na nararamdaman ko at panghihina dahil sa saksak ko sa gilid nang tiyan ay nawala nang may biglang lumapit sa akin. Si Dr. Irish, ang healer doctor namin. Ginamot niya ako.

Bumalik ang lakas ko at kaya ko nang makatayo. Nagpasalamat ako kay Dr. Irish, mabuti na at naging okay na ang lahat, bumalik na sa totoong pag-iisip ang mga estudyante at nawala na rin ang spell ng utusan ni Cold si Kailani na saksakin ito.

Nang makatayo ako ay unang hinanap ng tingin ko si Cold. Nakita ko si Cold na yakap-yakap habang umiiyak ang walang malay na si Kai. Nakita kong may lumapit na babae sa  kanya—si Elies.

Kasunod ay nakita ko ring naglalakad palapit si Dr. Irish sa direksiyon nila kaya lumapit na rin ako. Hinawakan ni Dr. Irish ang braso ni Kailani at ganoon na lang narinig kong paghagulhol na iyak ni Cold nang sabihin ni Dr. Irish....

"Wala na siyang pulso. Patawad Demon Queen hindi ko na siya maliligtas... mahina na ang kapangyarihan ko at hindi kayang lumigtas nang taong wala nang buhay." malungkot na sabi ni Dr. Irish sabay yuko.

"Hindi pwede, hindi pwede dapat mailigtas siya..." naiiyak kong sabi. "Dr. Irish please... iligtas niyo po siya..." umiiyak na pakiusap ni Cold kay Dr. Irish pero yumuko lang ito.


Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Nasasaktan talaga ako kapag nakikita kong umiiyak si Cold.

"Kaya ko siyang buhayin." napalingon ako sa lalaking hindi pamilyar sa akin. Lumapit ito sa kanila at lumuhod sa gilid ni Kai.

Sino siya?Ngayon ko lang siya nakita. Sa pananamit niya sigurado akong hindi siya estudyante rito. Iba ang pananamit niya. Sino kaya ang lalaking ito?

Hinawakan nito ang tiyan ni Kailani kung saan ito may saksak. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita kong gumalaw ang kamay ni Kai. Pati ako hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaking ito. Muli niyang binalik ang buhay ni Kailani.

Nagyakapan ang dalawa kaya pasimple naman akong napangiti. Humiwalay si Cold sa pagkakayakap nilang dalawa.

"Law..." tawag niya sa pangalan ko na ang tinutukoy niyang si Law ay ang impostor na nagpapanggap na ako. Nilapitan niya ito kaya sinundan ko naman siya.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon