CHAPTER 2

449 22 4
                                    

Maganda ang school uniform nila, napakaprofessional tignan. Longsleeve na black tapos may nect tie na red na may halong green at may palda na maikli. Mabuti na lang at may suot silang medyas na itim na above the knee kaya nakokomportable siyang isuot ito. Naglagay lng siya ng liptint at naging presentable na.

"Tara na! Breakfast tayo." yaya sa kanya ni Kai at sabay silang lumabas sa kwarto.

Medyo naweweiduhan siya sa mga sinusunod na mga patakaran dito. Medyo weird lang talaga kasi ang gabi ay umaga sa kanila at ang umaga, gabi sa kanila.

Nang makarating sila sa cafeteria ay marami-rami na siyang nakikitang mga estudyante hindi kagaya ng kaninang umaga ay wala. Pinagmasdan niya ang mga ito at parang sanay na sanay ang mga ito sa loob.

May ibang ang sama kong makatingin sa kanya may iba din na parang wala lang at parang normal lang din na mga estudyante kong kumilos.

Naupo sila ni Kailani sa isang bakanteng upuan.

"Dito ka lang. Ako na lng ang kukukuha ng makakain natin by the way hindi mo alam, masasarap at magagaling magluto ang mga chef dito." nginitian ko lang ito bago umalis.

Ilang minuto kong hinintay si Kai na bumalik ito pero wala pa din. Kaagad kong napansin ang isang babaeng kanina pa masamang nakatingin sa akin.

Anong problema niya? At ganyan siya kong makatingin sa akin.

Dumating si Kailani na may dala-dalang mga pagkain namin.

"Hi naku, ang haba ng pila."sabi nito bago naupo. "Kain na tayo."

Habang kumakain kami ay 'di ko mapigilang mapatanong kay Kailani.

"Kilala mo ba ang babaeng yan?" tumingin ito sa babaeng tinutukoy ko.

"Ah, yan si Reyn. Alam mo bang pinatay niyan  ang buong pamilya niya  at dahil sa minorde idad pa lang ay dito siya ipinasok sa Demon University at sabi nila may sakit yan sa pag-iisip.

Tinignan niya ulit ang babae at wala na sa kanya ang mga tingin nito. Hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform nito at magulo pa ang buhok na tumatabon sa mukha nito.

"Kain ka na." saad ni Kai.

'Di pa ako nagugutom 6:23 pm  pa kasi tapos ang first period namin ay 8:00am at ang oras nang uwian ay 5: 35 am ng umaga. Hi naku ang weird talaga, sa palagay ko nga hindi ko kayang gising sa buong gabi! Inaatok pa naman ako.Tss.

May biglang nagsisidatingan na mga grupo ng mga lalalakihan. Puro matatangkad mga ito at may mga mukha din. For short, mga gwapo sila pero ang angas kong tignan at halatang ang yayabang . Kong alam ko lang na dito lang pala sa Demon University makikita ng maraming gwapo ay sana matagal na akong pumasok dito.

Naupo ang mga magkagrupo na mga kalalakihan. Sa palagay ko nasa walo o pito sila.

"Yan ang Taugama Gang. Isa yan sa mga gang dito sa D.U. Kita mo 'yong nasa gitna," napatingin naman ako kaagad sa lalaking nakaupo sa gitna, sa palagay ko siya ang leader. Maliit at matangos ang ilong nito, may kasingkitan ang mata na parang koreano. Para siyang isang K-pop idol. "Siya si Dash Vergara ang leader ng Taugama Gang. Ang gwapo 'noh, pero nakapatay na yan." parang ang normal lang talagang sabihin dito ang salitang ’nakapatay’. Totoo naman kasi bagsakan naman talaga ng mga mamatay na tao ang eskwelahan na 'to.

Napatingin ulit ako sa entrance nang may pumasok na namang mga kalalakihan gaya ng kanina. Nasa mga pito o wala din sila, may kagwapuhan din ang mga ito.

Ang daming  gwapo dito pero mas gwapo si Pres.hshsh

Katulad ng isang grupo din kanina ay ang angas din ng mga ito ’yong parang leader nila ay nakahawak ng yosi at sa kabilang kamay naman ay may hawak na isang pamalo. Marahas na pinaalis ng mga ito ang mga estudyante na kumakain at sila ang umupo sa upuan ng estudyanteng pinaalis nila.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon