CHAPTER 31

191 8 2
                                    

Ilang araw na lang ang hihintayin namin at graduation na, kaya mas lalo talaga naming sineryoso at finucus ang pag-aaral namin.

Nandito kami ngayon sa madalas naming tinatambayan at pinupuntahan, sa treehouse. Yung treehouse nila Law at Film. Dito kami nila Kai madalas na tumatambay, kapag walang klase o gusto namin ng fresh air o tahimik na lugar ay ito ang madalas naming pinupuntahan. Minsan nga dito pa kami natutulog. Nakakarelax din kasi dito.

Ngayon, napag-isipan naming dito muna manatili kasi nakakainis kasi sila Law, sinira ang bahay namin. Grabe talaga sila! Nakakainis. Sarap sakalin.

"Tinatamad akong mag-aral." tinatamad na saad ni Elies. Habang naka indian sit sa sofa.

"Mag-aral kang mabuti para isa ka sa maging cum laude ng school." saad ko habang nakatuon ang mata sa binabasa kong libro.

"Mas gusto ko na lang magbasa ng ’The Billionaire's Obsession’ kaysa itong mga librong 'to ang babasahin ko, nakakatamad. Grabe!" tinatamad na reklamong sabi naman ni Kai. Umayos ito ng upo at kinuha ang nakapatong na baso sa mesa na may lamang kape. "Kape!" sabi niya sabay tawa.

"Isa ka pa. Focus muna sa pag-aaral bago ang pagbabasa ng mga story." may kunting panenermon kong sabi sa kanila.

"Kahit naman mag-aral kami, hindi ka pa rin naman namin malalampasan. Mas matalino ka pa rin kaysa sa amin." saad ni Kai habang humihigop ng kape.

"Oo nga. Sure na sure na ikaw na talaga ang valedictorian." dagdag naman ni Elies.

"Magsitigil na nga kayo at sya'ka wag niyong masyadong eh down ang mga sarili niyo, malay natin baka isa pala sainyo ang maging valedictorian."

"Baka nga hahhaa." nagtawanan naman kaming tatlo.

"'Di pa rin talaga ako makamove-on, putangina talaga sila!"

"Hoy bibig mo, Kai." saway ni Elies kay Kailani nang magmura ito. Mabilis naman nitong pinalo ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.

"Sorry. Nakakainis lang kasi talaga sila. Nadedemonyo talaga ako dahil sa kanila."

"Bakit kasi nakipagjoin ka pa sa kanila." saad ko.

"Sabi kasi nila tutulungan nila kaming gumawa ng bahay, yon pala sisirain. At sya'ka ang nakakainis nilagyan pa nila ng monsters ang house natin. Nakakainis talaga, nakakainis talaga ang Prince Demon na yon!" nakasimangot na saad ni Kai. "Sabi pa niya, may gagawin daw siya tapos akala ko pa naman hayop yung paiitlogin niya yun pala, monster!"dagdag pa niya.

"Tapos na yon. Mas mabuti pa matulog na lang tayo, gabi na at sya'ka may mga impostante pa tayong gagawin bukas." paalala ko sa kanila.

"Oo nga inaantok na din ako." humihikab na sabi ni Elies.

"Ako hindi pa. Magbabasa muna ako." saad ni Kai, na ngayon may hawak ng libro.

"Sige mauna na kaming matulog sayo." paalam namin sa kanya.

KINABUKASAN

Tanghali na nang magising ako. Saturday ngayon kaya madalas talaga pagweekends ay tanghali na ako kung gumising. Nakakapagod kasi dahil madalas  pagpasukan ay maaga akong gumigising para 'di malate, may punishment kasi pagnalate ka. Maglilinis ka ng buong gymnasium, cafeteria at iba pa. Kaya bawal ka talagang magpalate, walang pinipili, kahit isa ka sa stronger demon ay papanishan ka pa din pagnalate. Kaya pagweekens ay bumabawi talaga ako.

Hindi na katulad ng dati ang Demon University, oo at bagsakan pa rin ito ng mga kabataan na mga pasaway at may ginawang krimen, pero ngayon dapat pagnandito sila sa loob at dapat matuto sila at maging disiplinado. Si Batas, nagpatupad din siya ng batas na bawal bumagsak sa isang subject, kundi buhay ang kapalit. Oo, may bagong rules siyang pinatupad na ganoon, bawal magkaroon ng grado na line of 7 kung ayaw mong maparusahan ng kamatayan, kaya nga halos kami ay nagsisikap para lang 'di magkaline of 7. Minsan nga kadalasang ginagawa ng mga ibang estudyante para hindi magkaroon ng line of 7 ay patagong nilalambing nila ang kanilang subject teacher para lang magkaroon ng passing grades, kahit 80 na grado lang ang ibigay, okay na basta hindi line of 7.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon