CHAPTER 18

235 15 3
                                    

Hinihintay ko ang sagot ni Law.

"You always have my permission baby." Saad niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Napangiti ako. Now, wala ng magaganap na Bloody Game.

"As the SSG President and the Law. Gusto kong ipaalam sainyo na. Wala nang magaganap na Bloody Game ngayong araw." buo ang mga salita niyang sabi.

Napangisi si Film habang palipat lipat ang tingin nito sa amin ni Law. Hanggang sa tumigil ito  saakin, sinalubong ko rin ang mga titig niya sa akin. Hindi kalayuan ang distansya namin kaya napansin kong bumababa ang tingin niya sa akin. He was looking at.... my necklace. Napatingin na rin ako sa kwentas ko, at muling tumingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kwentas ko.

Umiwas siya ng tingin at umayos ng tayo. Inilibot niya ang tingin sa nga estudyanteng narito.

"Papayag lang ako na wala nang Bloody Game na magaganap, kung..." tumingin ulit ito sa akin. "Kung magiging akin ka, in 3 days. You will be with me in 3 days." nagulat ako sa sinabi niya. "Be with me in 3 days. Papayag akong walang bloody game na magaganap kong mapapasaakin ka sa tatlong araw. " nakatingin pa rin siya sa akin.

Napatingin ako kay Law salubong ang dalawang makakapal na kilay nito habang nakatingin sa kapatid. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kapatid niya.

"So? Demon Queen, be with me in 3 days or will continue the game?" tanong niya sa akin.

Tatlong araw lang naman. Okay na yo'n, at sya'ka gagawin ko naman 'to para sa lahat.

"Pero, Film. Law, give permission to Cold na wala nang Bloody Game na magaganap, at kailaman wala nang magaganap na bloody game pa and I think wala ka na naman 'atang karapatan—" naputol ang sasabihin ni Fritz ng hawakan siya ni Satana sa braso at nang magsalita ito.

"He still have the rights, kahit si Law ang batas at taga Batas, may karapatan pa rin siya. He is Film, Law's brother and a son of Sebastian Darker kaya kahit nakagraduate na siya, nasa kanya pa rin talaga ang desisyon kung wala na bang Bloody Game na magaganap o meron. Siya ang nagpatupad kaya siya ang magdedesisyon kung aalisin niya ito o hindi. Hindi si Law ang nagpatupad na magkakaroon ng Bloody Game, kundi Film. Siya ang gumawa ng palarong ito at hindi si Law." ito ang pinakaunang beses na seryosong nagpaliwanag si  Satana.

"Pero kahit hindi ako. Hindi pa rin ako papayag sa sinabi ni Film." nabaling ang tingin namin kay Law nang magsalita ito. "Cold, will not be with you in 3 days." madiin ang boses nitong sabi.


Tumawa lang si Film. "Hindi naman ikaw ang pinapapili ko, kundi si Cold."saad nito habang nakatingin sa akin.

Sobrang sama na ng titig ni Law kay Film, kaya kinakabahan na ako. Akala ko okay na yung kanina hindi pa pala.

"Oh I think, hindi okay si Mr. President sa sinabi ko. "nagkibit balikat ito. "Ganito na lang, isang araw at ngayong gabi, magiging akin si Cold." mas lalong nagdilim ang mukha ni Law, para kasi siyang inaasar at sinusubukan ng kapatid.

"Alam kong may pinaplano ka." madiing bigkas ni Law. Tumawa lang si Film.

"Alam mo naman pala eh." natatawang sabi ni Film. "Bakit? Gusto mo ikaw? Ilang panahon na hinintay ko 'to, tapos hahadlang ka na naman." masama na rin ang mga tingin ni Film sa kapatid.

"Hindi naman talaga ikaw yon." saad ni Law.

Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Ngumisi si Law. " Impostor." saad ni Law. Galit na galit si Film na nakatingin kay Law. At sobrang bilis ng pangyayari ay nakita na lang namin na napaupo na si Law sa lupa habang dumudugo ang gilid ng labi nito dahil sa biglaang pagsuntok ni Film dito.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon