"Tinaehan ka pala ni Dark, Batas HAHAHHA." tawang-tawang sabi ni West.
Masamang tinignan nito si West.
"What if totoong tae yon? HAHHAA." tanong ni Fritz sa lahat.
"Ewww nakakadiri yon." pailing-iling na saad ni Film. "Imagine, mukha? Tinaehan, pota!"
"Magsitigil na nga kayo." saway ko sa kanila dahil kitang kita ko na kasi sa mukha ni Law ang sobrang inis at asar. Alam kong kanina pa siya nagpipigil.
Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso niya. Kaagad itong napasulyap sa akin kaya nginitian ko siya. Mabilis naman siyang napaiwas nang tingin.
Ilang araw din kaming nagdusa. Walang kain, walang ligo. Ang baho na namin kaya nang maging okay ang lahat ay nagsibalikan na kami at kanya-kanyang ligo at linis nang sarili. Nang makabalik kami sa dorm ay mabilis kong nilinis ang sarili ko. Hindi ko lubos maimagine na mangyayari ang lahat ng ito. Napakarami kong nalaman at natutunan.
Nang muling maibalik lahat ng mga lakas namin ay nagdesisyon kami na maglinis at ayusin ang buong Demon University, napakadaming mga naging sira pero lahat nang yon ay pinagtulungan naming ayusin. Dahil sa mga nangyari parang namulat lahat ang mga estudyante. Hindi na nagkakaroon nang gulo at parang naging close na din sila sa isat-isa. Natuto na sila at naging magkaibigan at magtulungan sa isat-isa.
Halos lampas isang linggo din ang nangyaring ayusan sa eskwelahan. May mangilan-ngilan ding tumulong na taga labas at ang mga gobyerno sa unang pagkakataon ay tumulong din. Nang malaman ang nangyari ay mabilis itong nabalita sa buong mundo, kaya yung mga ibang mga estudyante ay kinumusta at dinalaw ng mga pamilya nila. Sa unang pagkakataon may nakita akong mga estudyanteng nag-iiyakan habang yakap-yakap ang mga magulang nila.
Habang pinagmasmasdan sila na yakap-yakap ang kanilang pamilya. Ay ngayon ko na realize na kahit gaano kasama at kalaki ng kasalanan ng mga anak nila ay hindi pa rin nila ito natitiis. Totoo nga ang kasabihan na 'walang mga magulang na hindi natitiis ang anak'. Dahil kahit anong galit nila o pagtakwil sa anak nila ay hindi pa rin nila ito natitiis. Iba talaga ang pagmamahal ng isang magulang sa anak.
Habang nakatayo at pinagmasmasdan ang sila ay nahagip ng tingin ko si Kailani. Nakita kong umiiyak ito habang yakap-yakap si Daddy. Sunod naman nitong tinignan si Mommy at niyakap. Halatang may pinag-usapan pa ang dalawa, sigurado akong nagpasalamatan at nagkapatawaran sila sa isat-isa. Nakita kong napatingin si Kailani sa direksiyon kung nasaan ako kaya ngitian ko ito at ganoon din ang ginawa niya.
Napatawad ko na rin si Daddy. Hindi ko inakalang ganoon pala ang nangyari. Jinudge ko siya kaagad at sinisi sa mga nangyari. Hindi ako kaagad nakinig sa paliwanag niya at hinusgahan ko siya kaagad.
"Sa wakas! Magiging isang normal na eskwelahan na din ang Demon University!" kaagad naman akong napalingon sa katabi ko. Nang lingunin ko ito at kaagad na bumungad sa akin ang isang lalaking nakakulay blonde at messy ang buhok.
Sino na naman kaya ang lalaking ito? Ngayon ko lang siya nakita.
Napangisi ito nang mahalatang parang nagtataka ako kung sino siya. Nakawhite polo ito nang suot habang kumikinang ang kaliwang taenga nitong may hikaw. Maputi ito, matangos ang ilong at kasing tangkarin rin nila Law.
"Hello. Uhm you don't know me." ngumisi muna ito bago nilahad ang isang kamay. "I'm Spell." pagpapakilala nito sa pangalan.
Spell? Hindi pamilyar sa akin ang pangalan niya.
Tinignan ko lang siya at hindi tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Kaagad ko ding nakita ang tattoo niya na D.U.S. so isa din pala siyang estudyante ng Demon University pero bakit ngayon ko lang siya nakita.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasyIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...