(A/N: Una sa lahat at hindi sa huli. THANK YOU SO MUCH for reading my story, sobrang ang saya ko kasi kahit papaano ay may nagbabasa ng story ko rito. So, ulit. Thank you so much again for reading my story🥰)
_________
Halos sabay-sabay na napatayo ang nga estudyante at mga parents at nagpakpakan matapos akong makapagbigay ng mahabang speech para sa lahat.
'Di ko rin mapigilang maiyak habang nagsasalita sa lahat, hindi ko lubos maisip na sa wakas, graduate na kami! At malaya nang makakapag-aral sa labas at kukuha ng mga gusto naming kurso.
Pinahid ko yung mga luha ko at napabuntong hininga. "Muli. Magandang umaga at CONGRATULATIONS sa ating lahat!!" Masaya kong sigaw sabay angat ng certificate na hawak ko. Nakisabay naman lahat ang mga estudyante. Habang pinagmamasdan sila kitang-kita ko sa kanilang mga mukha at saya.
Nakangiting bumababa ako ng stage. Nang makababa ako ay kaagad kong sinalubong nila Mommy at Daddy ng mahigpit na yakap.
"Congratulations anak!" masayang bati ni Daddy sa akin. Sumunod naman si Mommy, mahigpit niya rin akong niyakap.
"Congratulations sissy!" nakangiting nabaling naman ang tingin ko kay Kailani kaya mabilis ko rin siyang niyakap.
"Congratulations sa atin."
"Sobrang proud na proud kami sa inyung dalawa." naiiyak na sabi nila Mommy at Daddy. Muli naman kaming nagyakapan sa isat-isa at nagfamily group hug at nagfamily picture rin kami. Hindi na rin naiiba si Kailani kay Mommy, naging buo na kaming pamilya at anak na rin ang turing ni Mommy kay Kai.
Matapos ang kunting dramahan naming magpamilya ay kaagad ko namang hinanap si Law. Nasaan na kaya ang lalaki yo'n, kanina na kita ko siya tapos bigla na lang nawala.
"Congrats!" hindi na ako nagulat ng bigla akong akbayan ni Film. "Wala bang paparty d'yan." nakasimangot na tinignan ko naman siya na ngayon ay nakangisi sa akin.
"At bakit naman ako magpaparty?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Valedictorian ka di ba?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Tapos?"
"Dapat magpaparty ka."
"Nasaan ba siya si Ali, nakita mo ba siya?" inalis naman niya kanyang braso na nakaakbay sa akin at umaktong parang nag-iisip.
"Hindi eh." sagot niya. So nasaan kaya yung lalaking yo'n. Sabi niya kasi kahapon, may surprise raw siya para sa akin. Pinilit ko siyang paaminin kung ano yon pero ayaw naman niyang sabihin. Nakakainis!
Nakita ko si West kaya kaagad ko itong nilapitan at tinanong.
"Nakita mo ba si Batas?" pero imbes na sumagot ay ngumiti lang ito habang may itinuturo sa likuran ko. Kaya nagtatakang napalingon naman ako sa likuran ko at ganoon na lang ang ngiti ko nang makita ko si Law. Nakasuot pa rin ito ng toga kaya mabilis ko siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. Nagtaka naman ako ng bigla siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"I have something to tell you." saad niya.
Nagtataka man ay napatango ako. Bakit parang kinakaban ako ngayon sa sasabihin niya, parang may kakaiba kasi.
"Alam kung hindi ako kagandahang tumula pero sisikapin at gagalinga ko para sayo." hawak-hawak niya pa ri ngayon ang kamay ko.
"Ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa mga bituin,
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala pa ring makakapigil sa atin.Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikawPangakong sayo'y binitiwan
Na kailanma'y hindi ka iiwan,
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y pa sa sapat"

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantezieIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...