Imbes na mag-aral sa gabi, we sleep.
Kanina bago ako umalis at bumalik sa Girls Dormitory ay nagkasagutan na naman kami ni Law. Nagrereklamo ito dahil ang likot ko raw matulog.
"You hurt me to much!" inis niyang sabi sa akin.
"Anong ginawa ko sayo? Hindi naman kita sinaktan ah." saad ko.
"Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo akong sinandayan at ginawang unan, hinigaan mo pa ang dibdib ko tapos sinandayan mo pa nang mga paa mo. Sobrang sakit ng katawan ko, kung alam ko lang na ganyan ka kalikot matulog sana, sana—"
"Sana ano!?" hindi ito sumagot. "Sana sa sofa ka na lang kasi natulog e." saad ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "This my room."
"I know." saad ko.
Kanina pa ito nagtitimpi." And that lion!" turo niya kay Draft.
"Draft lion." pangungureksiyon ko sa kanya.
"Draft lion or lion basta yang Dark na yan ang laki rin ng kasalanan niya sa akin."
Tinignan ko si Dark na nagpapacute na nakatingin kay Law.
"Bakit ano bang ginawa niya sayo?" tanong ko.
"Kakahilam-os ko lang. Alam mo ba kong ano ang ginawa niyan sa akin? tinaehan niya ko sa mukha! F*ck!" galit niyang sabi kaya tinawanan ko siya. "Hindi ko mapapatawad yang, yang Dark na yan!"
Hanggang ngayon at natatawa pa rin ako kapag naiisip yung nangyari kanina. Hahha. Nilapitan ko si Dark nakahiga ito sa kama, lumuhod ako para magpantay ang mukha namin at hinihimas himas ito.
"Good job, Baby Dark, next time makikitulog na naman tayo doon sa mareklamong Batas na yo'n, tapos taehan mo ulit siya ha?" parang naiintindihan naman ni Dark ang sinabi niya kaya napatawa naman siya ng tumango ito hahha, napakagood boy talaga ng Dark ko.
"Dark, stay here baby ha, wa'g kang umalis at lalabas sa kwarto, naiintindihan mo ba? Good." nagpaalam ako rito bago lumabas ng kwarto.
Umaga ngayon, at kanina lang inanunsiyo na magkakaroon daw ng Bloody Game. Ano naman kaya ang Bloody Game na yan? Sounds interesting pero parang kinakabahan ako.
Nag-iipon ipon ang lahat ng mga estudyante sa malaking battle field ng eskwelahan. Nandito lahat ang mga estudyante, halata rin sa mga mukha nila ang antok, ikaw ba naman buong klaseng gising sa gabi tapos hindi ka pwedeng matulog sa umaga dahil may programang magaganap. Buti na lang kagabi, nakatulog ako.
Napansin kong may tumabi sa akin, at nang tignan ko ay si Fritz pala.
"Hey." aniya nito.
Ngitian ko siya. "Ano pala ang bloody game?" tanong ko.
"Bloody Game? Ito ay isang laro kong saan, masusubukan ang totoong lakas at tapang mo. Ito yung larong maduguan, larong magsusugal ng buhay para manalo ka lang, larong kailangan kang pumatay." nagsitayuan ang balhibo ko sa panghuling salitang sinabi niya.
"Bakit nila ito ginagawa? Gusto ba nilang mamatay lahat ng mga estudyante? Ano ba ang pumasok sa utak ni Law at nagpatupad siya ng larong ganito!?" naiinis kong sabi.
Bumuntong hininga lang si Fritz habang ang tingin ay nasa harap.
"Hindi si Law ang nagpatupad ng larong ito." napatingin naman ako sa kanya. "Si Film, kapatid ni Law. Wala na dapat ang larong ito e, nung nawala si Film at nakagraduate sa Demon University ay nawala na rin ang larong ito. But now his back. Muli siyang nagbabalik kaya muli na namang maibabalik ang larong maduguan at kailangan magsugal ng buhay. Dati nung nandito pa si Film, nangyayari ang palarong ito kapag malapit ng grumaduate ang mga estudyante sa D.U." sinalubong niya ang mga tingin ko sa kanya. "Malapit na tayong grumaduate, isang buwan na lang ang kailangan at makakaalis na tayo sa eskwelahan na ito at may bago na namang mamumuno at ipapasok o papasok na mga estudyante." Mabahang linyahan nito.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasyIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...