Natalo namin lahat ng mga estudyanteng nakaharang sa amin, naging madali naman silang patumbahin dahil magagaling at may kapangyarihan itong mga kasama kong lalaki.
Nakarating kami sa tapat ng girls dormitory building at naaabutan namin ang mga iilan ilan ding mga estudyante na hindi naapektuhan ng spell. Nakita ko si Elies kaya mabilis ko itong nilapitan at niyakap. Halata sa mukha nito ang sobrang takot at panginginig ng katawan pero pasalamat pa rin dahil hindi siya naapektuhan ng spell na kumakalat. Kung sino man ang walang hiyang nagpakalat at gumawa ng pesting spell na 'to, papatayin ko talaga siya.
"Si Kailani?" tukoy ko sa babaeng kaibigan na madalas ding kasama ni Elies. Tinignan ko isa isa ang mga estudyanteng nakaligtas pero wala siya at hindi ko siya makita.
"Hindi ko alam." niiyak na sagot ni Elies. "Hindi kami magkasama kanina."
Inilinga ko ulit ang paningin ko. May isa pa akong hinanap, nasaan kaya siya? Bakit wala siya rito. May grupo ng mga estudyante ang nakita naming nagtatakbuhan papunta sa direksiyon namin, nakita kong pinangungunahan ito ni West at Satana, kasama rin nila ang mga iilang grupo ng Taugama at Zeta Gang, at sila Dash ay nanakbo ring papalapit sa amin. Duguan ang mga mapuputi nilang mga school uniforms.
Hinihingal naman nang makarating sila sa amin. Kaagad kong nilapitan si West at tinanong.
"Nasa'n si Law?" kaagad kong tanong nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Ang gusot ng suot nitong uniform na parang hinablot ito ng kung sino.
Umiling siya. "Wala pa ba siya rito?"
"Wala."
May bigla lumapit sa amin sila Zachary at Fritz.
"Si Law?" sabay pa nilamg tanong. Katulad ng kanina ay umiling lang din si West. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nasa'n na kaya siya? Baka na paano na ang lalaking yo'n kahit na galit ako sa kanya ay nag-aalala pa rin ako para sa kanya.
Nag-antay pa kami nang ilang minuto pero walang pa ring dumarating na Law, wala pa rin siya. Maggagabi na.
"Guys! I think we need to go." kalmadong saad ni Fritz habang may tinitignan sa 'di kalayuan. Natuan din naman ang tingin ko kung saan siya nakatingin at ganoon na lang ang pag-awang nang mga labi ko nang may napakadaming pasugod na mga estudyanteng parang mga zombie. Kahit na unti-unti nang dumidilim ang paligid ay nakikita pa rin namin sila na nanakbong palapit at pasugod sa amin. Aatatakihin na nila kami.
"Kailangan na nating makaalis, napakadami nila!" kaagad na inutusan ni West ang mga estudyante na magsikilos na.
"Sa'n tayo pupunta? Wala tayong mapupuntahan." tanong ni Zachary. Lumingon naman kaagad sa amin si Dash.
"Sa HQ, sa head quarter namin, safe don." nagtanguan naman sila at kaagad na nagpatuloy sa pagkilos. Pinangunahan ni Dash ang daan kasi siya naman ang nakakaalam kung saan ang HQ nila. Lahat sila ay mabilis na nagsialisan habang ang mga kalaban ay palapit ng palapit na sa amin. Hindi pa rin ako gumagawalas, napansin kung nilingon ako ni Film at ni Fritz. Nagdadalawang-isip ako kung sasama ako sa kanila o hahanapin ko si Law.
"Cold!" tawag sa akin ni Fritz. Nilingon ko yung mga papalapit na mga kalaban, sa totoo kaya ko silang labanan pero sa dami nila ay mukhang mahihirapan ako.
Patakbong lumapit sa akin si Film at kaagad na hinawakan ang braso ko at hihilahin na sana ng hindi gumalaw at humakbang ang mga paa ko.
"Hahanapin ko si Law." saad ko bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Fritz! Umalis na kayo hahanapin ko si Law!" at mabilis na patakbong sinalubong ang mga pasugod na mga kalaban. Hahanapin ko siya.
Akala ko umalis na si Film pero nagulat na lang ako nang makitang nasa tabi ko na siya. Nilingon ko sila Fritz pero wala na ang mga ito.
Biglang naglabas ng espada si Film, may hawak hawak na itong espada sa magkabilang kamay gaya ng kaninang nakita ko.
BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasyIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...