Naunang bumababa sila Cattylen at Jean sa may hagdanan. At sumunod naman si Film. Nang makababa na rin si Film ay pinasunod naman ako ni Law. Dahan dahan akong bumababa. Hindi ko talaga maisip na may underground head quarter pala ang T.G, ang cool naman. Yung Z.G meron din kaya?
Tuluyan na akong na akong nakababa. Narinig ko ang pagsara nang takip sa ibabaw bago ko narinig ang pagbaba ni Law. Nang tuluyan nang nakababa si Law ay kaagad naman nitong hinawakan ang kamay ko at hinila para maglakad. May daan kaya ito ang sinunod namin. First time ko talagang makapasok sa isang underground tunnel. We walk a few minutes. Hanggang makarinig kami nang mga boses at makakita nang ilaw sa may unahan.
We're here.
"Sila Mr. President!" sigaw ng isa sa mga kasama nilang mga estudyanteng nakaligtas.
Kaagad naman silang nagsitinginan para tignan kung kami ba talaga. At ganoon na lang ang ngiti nila nang makita kami.
Nakalapit kami sa kanila at ganoon na lang ang gulat ko nang may biglang yumakap sa akin—si Elies. Napabalik naman ako nang yakap sa kanya. Nanginginig ang magkabilang balikat nito, umiiyak ito. Hinagud ko ang likuran niya para pakalmahin.
"Nakakainis ka. Akala ko kung ano ng nangyari sayo!" umiiyak pa rin ito. Napangiti naman ako. Ako ang unang kumawala sa pagyayakapan namin, para itong bata nainiwan at umiiyak.
May sumunod na lumapit sa akin si — Ma'am Principal. Umiiyak ito, nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin, napakunot naman ako nang noo dahil sa ginawa niya. Narinig ko ang mahinang paghikbi nito at paghaplos haplos sa akin, mukhang sabik sabik siyang makita ako at ligtas. Medyo nawewerduhan ako sa ginawa niya pero pabalik ko na rin siyang niyakap, parang may something sa loob ko na magaan ang loob ko sa kanya. Naalala ko tuloy bigla si Mommy sa kanya.
Isang minuto 'ata ang nakalipas bago ako nito pinakawalan sa pagkakayakap.
Natigilan naman ako nang makita ko si Kai nakatingin ito sa amin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Napansin ko ring nasa direksiyon din ni Kailani nakatitig ang mga kasama ko especially si Law randam kung nagpipigil lang siya na tanungin ito nang sunod sunod.
Niyakap ako nito at umiyak.
Hinagud ko ang likod nito para patahanin. Makalipas ang ilang minuto ay naging okay na rin. Naupo kami sa mga bakanteng upuan. Maganda ang HQ nila. May pintuan pa ito na kailangan naming pasukin at nasa loob ka.
Nakakahanga kasi para na itong bahay. May glass table sa gitna tapos may mga sofa sa gilid. May mga divider pa kung saan doon nakalagay ang tv na sabi nila hindi naman gumagana dahil walang signal. May maliit din silang bookshelve. May ipinakita rin si Dash kanina na isang kwarto kung saan maraming nakalagay na mga iba't-ibang klase nang mga armas at mga matatalim na bagay katulad ng kutsilyo, dagger at iba pa. Hindi ko alam kung saan nila galing ang mga ya'n basta kompleto sila nang mga gamit.
Tiles rin ang sahig kaya ang cool talaga.
Tahimik lang kami habang ang iba ay kumakain. Napatingin ako sa mga estudyanteng nakaligtas at hindi naapektuhan nang spell. Iilan na lang din pala sila, hindi din kadamihan ang nakaligtas sa Taugama at Zeta Gang. Nandito rin pala si Red, nagsisigarilyo ito.
Magkatabi kami ni Kailani na nakaupo. Tahimik lang ito habang namumugto ang mata dahil sa kakaiyak kanina. Nasa banda kami nakaupo sa may kadiliman at malayo layo sa iba.
Tumikhim ako at bumuntong hininga para ihanda ang sarili ko na tanungin siya.
"Kai.." tawag ko sa pangalan nito. Lumingon ito sa akin.
"Hmm?"
"Ano kasi Kai...uhm... m-may itatanong lang sana ako?" matagal ito bago nakasagot.
"Ano yo'n?" malumanay ang boses nito na parang pagod na pagod.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasíaIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...