CHAPTER 8

333 19 1
                                    

Matapos ang sandaling pagkwekwentuhan namin ni Law ay ngayon ko lang napag-alaman na may tinatago rin palang siyang kakaibang kapangyarihan, katulad ng kanina. He can read minds, kaya pala nung una ko pa lang siyang nakita ay nagtataka na ako kong bakit parang alam niya yung mga iniisip ko.

"Hoy!" kaagad naman akong napatingin kay Kailani ng sikuhin niya ako kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"I have a name at hindi ako si Hoy na pusa ni Raze." halatang nagulat si Kailani sa sinabi ko at bigla na lang itong nagtitilitili.

By the way magkatabi kaming dalawa ngayon kasi nga 'di ba, first period lang na subject ang hindi kami magkaklase at yung mga Stronger Demon naman na sila West, Zachary at Fritz ay hindi na pumasok, hindi ko alam kong bakit, basta hindi na sila pumasok, pati rin si Law ay hindi rin.

Hinawakan ni Kailani ang balikat ko at inaalog-alog ito. "Hoy!!! Nagbabasa ka pala ng Hell University!? Cold!" malakas na tanong na may kasabay na tili nitong tanong sa akin, dahilan kaya nagpatingin ang mga kaklase ko at ang teacher sa amin.

Napakagat labi naman si Kailani dahil sa malakas na pagtili niya.

Muli namang nagpatuloy sa pagtuturo ang teacher namin at bumalik din sa pakikinig sa harap ang mga kaklase ko.

"Kingina, hinaan mo kasi ang boses mo." mahinang sabi ko kay Kailani.

"Pasensya na, pero Cold! hindi ko alam nagbabasa ka pala ng Hell University?"

Tumango naman ako. Dati mahilig talaga ako sa pagbabasa ng mga Wattpad book, I always idolize KnightInBlack dahil ang gaganda ng mga works siya tapos ang gwapo pa.

But now, I stop reading wattpad book. Ang pinakahuling nabasa kong libro at natapos ko ay ang Hell University talaga. Wala na akong libro ngayon at sya'ka 'di na ako makakabasa pa ng libro kasi nakakulong na ako sa paaralan na ito at makakalabas lang kong makakagraduate ako rito ng hindi mamatay.

"Oh my gosh, Cold, same." nakangiti nitong sabi. "And by the way, for your information ang totoong pangalan ng pusa ni Raze ay hindi Hoy kundi, Dark."

Bigla namimiss ko tuloy si Dark, yung draft lion ko. Sa pusa ni Raze ko kinuha ang pangalan ni Dark, wala kasi akong maisip na ibang pangalan kaya ginamit ko na lang ang pangalan ng pusa ni Raze.

"Alam ko. At sya'ka ito lang ang maipapayo ko sayo. Alam kong magkaibigan tayo pero subukan mong agawin sa akin si Ace Craige, malilintikan ka talaga sa akin." Saad ko at sinamaan siya ng tingin.

"Okay. Okay, sayo na siya, basta may Raze naman ako." kinikilig nitong sabi.

Para kaming mga tanga at inaangkin ang mga lalaking possible namang maging amin.

Wala kaming ibang ginawa ni Kailani kundi ang magkwentuhan ng magkwentuhan about sa Hell University, hanggang sa matapos ang buong klase namin ay Hell University pa rin ang topic namin.

"Totoo naman kasing may Hell University dati." sabi ni Kailani, habang naglalakad kami papuntang cafeteria para mag-order ng pagkain para kay Dark kasi paniguradong gutom na ang alaga niyang yon.

Mahilig sa gulay si Dark, mga vegetables kasi talaga ang madalas na kinakain ng mga draft lion, hindi sila kumakain ng karne. Malaki kasi ang pagkakaiba ng draft lion kaysa mga totoo lion na nangangain talaga ng karne.

"Kung hindi lang napademolish ang Hell University, paniguradong sa Hell University talaga ako magpapaenrolled para makita ko si Baby Raze ko." sabi ni Kailani habang  naglalakad sila pauwi sa dorm.

Napademolish kasi ang Hell University, balita niya dahil daw sa hindi raw ito rehistrado sa gobyerno at marami rin daw na nangyayari sa loob na hindi alam ng sa labas. Katulad lang sa Demon University, konektado nga sa gobyerno ang paaralan na ito pero hindi naman nila alam kong anong nangyayari sa loob ng eskwelahan na ito, talagang wala rin  silang pake kong ano ng nangyayari sa loob dito, wala silang pake kong may patayan bang nagaganap o wala.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon