CHAPTER 21

235 14 2
                                    

Alam ko na na si Ali at Law ay iisa.

Nung mangyari ang bloody game at pinagdesisyonan kung sumama kay Film. Nung napunta kami sa tree house na bahay ay doon ko nalaman ang lahat. Sinabi sa akin lahat ni Film, ang buong akala ko nga nung gabing yo'n ay si Film si Ali pero inamin niyang hindi pala.

Yung kwentas na ipinakita niya sa akin na totoong pag-aari ni Ali or Law ay ninakaw niya lang. Sinabi niya sa akin ang lahat. Ninakaw niya ang kwentas dahil gusto niya sanang paniwalain ako na siya si Ali. Nagalit ako sa kanya dahil sa pagbabalak niyang lokuhin at paniwalain akong siya si Ali. Dapat magpapanggap sana siyang si Ali dahil tutal nasa kanya naman ang kwentas bilang patunay na siya nga si Ali. Pero hindi niya ginawa, dahil sa rason na nakita niyang mahal na mahal ako ng kapatid niya.

Hindi ko matandaan, pero sinabi niya rin na dati niya na pala akong gusto, simula pa pagkabata, hindi ko nga maalala kung nagkita na ba kami o naging magkaibigan noong bata pa kami, pero sinabi niyang nagkita na raw kami, panandalian nga lang, tinulungan ko raw siya noong may nambubully sa kanya, I tried to remember at naalala ko nga.

Papasok ako sa school no'n nang may makita akong lalaki na binubully ng mga kaklase niya. Hindi ko siya kakilala at ngayon ko lang din siya nakita, maybe transferee student siya. Nilapitan ko at sinita ko yung mga batang nambubully sila. Hindi naman nakinig sa akin yung mga kaklase at binully rin ako, dahil mga aanak daw kami ng demonyo, napakaweird daw namin. Nasaktan ako sa sinasabi nila pero binalewala ko. Tinakot ko sila na kung hindi pa sila tumigil ay gagawin ko silang yelo na kaagad naman nilang ikinatakot. Matapos no'n ay hindi ko na muling nakita o nakausap ang batang niligtas ko nung una, ni hindi ko nga siya naging kaibigan o malaman man lang ang pangalan niya. Hindi ko rin lubos maisip na ang batang niligtas ko sa pambubully noon ay si Film pala.

Hanggang sa dumating ang araw at nakilala ko si Ali, si Ali na nagbigay sa akin nang kwentas at sa 'di malamang dahilan umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam tapos malalaman ko bigla na ang lalaking parati ko pa lang kasama at matagal na hinahanap ay nasa tabi ko lang pala.

"Cold, where are you?"

Muli ko na naman siyang narinig. Napabuntong hininga muna ako bago na pag-isipan na kausapin din siya sa pamamagitan ng isip. 

"Nasa isang room ako na parang hindi na 'ata ginagamit pa."

"Oh God! Your answering." parang nabubuhayan niyang saad sa akin. Feeling ko para lang kaming nag-uusap in person.

"I'm coming. Just stay there, okay?" tumango naman ako, naghinatay ako na muli niya akong kausapin pero wala na akong marinig na ibang salita pa galing sa kanya. Ilang segundo ang nakalipas ng makarinig kami ng mga sunod sunod na katok  mula sa labas ng pintong kinaroroonan namin.

Tinignan ko si Film, at nakita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip na buksan ito.

"Si Law ya'n." saad ko.

"How can you be sure?"

"Nakausap ko siya." bahagyang nangunot ang noo nito sandali at nang magets naman nito ang ibig kong sabihin ay bumalik na naman sa normal ang mukha niya. Naglakad ako papunta sa may pintuan at hinawakan ang doorknob, kahit na sisigurado kung si Law ito ay kinakabahan pa rin  ako.

Napansin kong nasa likuran ko si Film at nakahanda ang hawak na magkabilang espada.

"Just in case na hindi siya." sang-ayon naman ako sa sinabi niya.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago dahan dahang pinihit ang doorknob para buksan ito nang mabuksan ay bumungad sa akin ang isang lalaking matangkad, at kahit pawisan ay ang gwapo gwapo pa rin nito, medyo gusot ang suot niyang white polo ay may mangilanngilan ding bakas ng mantsang dugo sa polo niya. Nang makapasok siya ay kaagad niya kong niyakap ng mahigpit. Aminin ko man o hindi namimiss ko siya nang sobra.

Demon University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon