"Wear this." sabay sa abot akin ni David ng damit na hinubad ko kanina.
Ngitian ko siya pagkatapos kong maisuot ang damit. "Salamat." saad ko. Pabalik naman itong ngumiti sa akin.
Pumunta ako kung nasaan sila Kailani. Nandito na silang lahat, pati si Satana she's here, katabi ni Law. Nakatingin sa akin si Law, kaya mabilis kong inawas ang tingin ko sa kanya.
"Congrats sa mga nanalo, ang group 1 and they are all safe now." saad ni Film. Tinignan ko ang group 1, kita ko sa mga mukha nila ang saya. Especially si Chariss the only girl in the group, kita ko rin ang saya sa mukha niya. Kahit na halos nagkahubad hubad ito, nanalo rin sila sa laro.
"Ang susunod naman nating laro is Bloody Crayon, we need 10 participants to play the game. Katulad lang kanina, I will do mention a students name na maglalaro sa larong ito." katulad ng kanina, may hawak itong papel na listahan ng mga pangalan nang mga estudyante na maglalaro.
"Crystal Lopez."
"Jovanni Cruz."
Sa bawat estudyanteng tinawag ang pangalan ay halata sa mukha nila ang takot at kaba. Natawag lahat ang mga sampung maglalaro na estudyante. Nasa gitna na silang lahat. Naupo sila at nagform ng circle. Kanina ko pa napapansin ang pasimpleng pagkatitigan at pagngingitian ng dalawang estudyante. Magkaharap silang naupo. I'm pretty sure may something sa dalawang yan.
Para kasing kinakausap sa pamamagitan ng mata ng lalaki ang babaeng kaharap niya. Parang sinasabi nito na, kaya natin 'to. Malalampasin natin 'to.
"Okay." nawala ang tingin ko sa dalawa at napunta kay Film na nagsasalita. "This game is called Bloody Crayon. Bibigyan ko kayo ng mga crayons," Nag-utos si Film ng isang estudyante para maglapag ng crayons sa gitna ng mga estudyanteng maglalaro. Pagkatapos nitong mailagay ay muli na namang nagsalita si Film. " Ang unang gagawin, magmemention ulit ako ng pangalan sa inyo, kung sino ang uunang bubunot ng crayons sa loob. " nakalagay kasi ang crayon sa isang box. "Pero bago ka bumunot you should shake first the box. And, kapag nakabunot ka na, sa bawat crayon na yan ay may label na nakasulat na dapat ninyong sundin. Kung hindi niyo susundin ang nakasulat na label, you'll die." mas lalong kinabahan ang mga manlalaro. "They are 50 crayons inside the box, pero isang kulay lang ang makakapagligtas sayo. Ang sino mang maswerteng makabunot ng kulay, blue na crayons, will be safe."
"So meaning. Sa sampung estudyanteng maglalaro, isa lang ang maliligtas." saad ko.
"Yeah." boses ni West ang nagsalita.
Sa dami ba namang crayons na nasa loob tapos isa lang ang kulay blue!
"Sa 50 crayons, may label na nakalagay na dapat nilang sundin." napatingin naman ako kay Law nang magsalita ito. "Kahit isa lang ang kulay blue, may chances pa rin naman silang mabuhay. Kung, ang crayon na mabubunot nila ay may napakasimple at napakadaling utos na nakasulat sa label." saad nito.
"Kung makakabunot nga sila nang napakasimpleng utos, eh kung hindi?"
"Then, wala na silang magagawa. They should do and follow kung ano ang nakasulat sa bawat label ng crayons na mabubunot nila, kung hindi nila gagawin ang nakasulat, mauuwi pa rin sa kamatayan ang lahat. At dito na nagsisimula ang totoong Bloody Game."
'Di ko mapigilang maawa sa mga estudyante. Bakit ba ganitong klase ng laro. Pinaglalaruan nila ang isang buhay ng tao. Nakikilaglaro ka para sa buhay mo. Sa lugar ito parang wala lang sa kanila ang buhay ng tao. Parang isang sugal, na may pagkakataon na matalo ka may pagkakataon din na swerte ka, at ngayon paswertehan na lang kong mabubuhay ka, o hindi.
"I will mention a name, at kapag natawag ko ang pangalan mo. Ikaw ang unang bubunot." anunsiyo nito ulit. Second past. "Freya!"
Kinuha ng babaeng Freya ang box and she shake it first bago siya kumuha ng crayons sa loob. After a second, may nakuha na siyang kulay.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasíaIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...