Nakaupo na ako ngayon sa sofa habang umiinom nang tubig. Nasa tabi ko lang si Law at hinahaplos ang likuran ko. Nang makainom na ako nang tubig na ibinigay sa akin ni Law kanina ay nilapag ko ito sa maliit na table sa harap namin.
Tinignan ko siya at mabilis na niyakap. Muli na naman akong napahikbi, parang totoo kasi ang panaginip ko medyo magulo pero napakalinaw nung makita ko siyang halikan ni Kailani at pinatay sa mismong harapan ko. Napahigpit pa ako nang yakap sa kanya, ayokong may mangyaring masama sa kanya kung mangyayari man yo'n ay hindi ko yo'n hahayaang mangyari.
Hinayaan niya lang ako na muli siyang yakapin.
"Ano bang nangyari?" mahinahon pero puno nang pag-aalala niyang tanong.
Medyo okay- okay na ang pakiramdam ko ngayon. Ngayon na makita siyang nandito sa tabi ko.
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya. Gumalaw ito na parang hindi komportable na nakatingin ako sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin at napalunok, namumula rin ang pisnge nito dahilan kaya hindi ko mapigilang matawa.
Takang-taka na nakatingin ito sa akin, malamang aakalain niyang baliw na ako dahil kanina umiyak ako tapos ngayon tumatawa na. Mangiyak ngiyak ako habang tumatawa habang siya nanatiling nakakunot ang noo.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" nakamaang niyang tanong.
Tumawa lang ako nang tumawa habang hawak hawak ang tiyan ko. Ang sakit nang tiyan ko sa kakatawa.
"Okay ka lang? Hindi ka ba nababaliw baka nasapian ka nang spell nang pagiging baliw." doon na ako natigilan sa sinabi niya at masama siyang tinignan.
"Joke lang." napapuot naman ako.
"At kaylan pa natutong magjoke ang isang Ssg President ha?" parang bata kung tanong dito. Napatss naman ito at bigla akong binatukan sa noo.
"Aray naman!" reklamo ko habang sapo sapo ang noo ko nabinatukan niya kaya sinampal ko siya. Natigilan siya at halatang nagulat sa ginawa ko.
"Grabe ka! Batok lang yon, sampal agad." natatawa ako sa kanya ngayon, ang iba niya sa kilala kung Prince Law Laurence Darker. Ngayon ko lang nalaman na may pagkachildish side rin pala siya. Iba siya ngayon sa dating kilala ko na cold at nakakatakot.
Napapaisip tuloy ako. Bakit nagpapanggap na cold at mysterious ang isang tao maybe because they wanted to hide kung ano talaga sila at kung ano ang kahinaan at kinatatakutan nila. Nagiging cold lang naman 'ata ang isang tao dahil nasaktan sila or maybe they become cold dahil ayaw nilang ipakita na nasasaktan sila. They afraid to get hurt.
"Are you afraid to get hurt?" simpleng tanong pero kaagad na natigilan siya at sumeryoso. Hinintay ko siyang sagutin ang tanong ko pero hindi ako nakatanggap. Yumuko ako bago nagsalita.
"Because me I'm afraid..." naiiyak na naman ako. Lumamlam ang mukha niya. "Natatakot ako." my tears drop again. Mabilis ko itong pinahid.
"Wa'g ka nang umiyak. I hate to see you crying." hinawakan nang magkabilang palad niya ang mukha ko. "Ayokong nakikita kang umiiyak dahil feeling ko ako ang dahilan nang pagtulo nang mga luha mo. Baby, listen." napalunok ito bago muling nagsalita. "Nandito ako palagi, palagi sa tabi mo. Sa tabi mo lang palagi, san man tayo magpunta hindi kita iiwanan, palagi lang ako nandito sa tabi mo ha? Kaya wag kang matakot, proprotektahan kita kahit anumang mangyari. Remember the motto? A real dem—"
"A real demon is fearless and brave." dugtong ko sa sasabihin niya. Ngumiti ito kaya napangiti na rin ako. Hindi ako pumalag nang yakapin niya ako habang hinahaplos ang buhok ko.
"I'm afraid too." mahina pero rinig na rinig nang taenga ko ang sinabi niya. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. Seryoso itong nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Demon University [COMPLETED]
FantasiIsang paaralan na bagsakan nang mga iba't-ibang klase ng mga estudyante at kabataan. Isang paaralan na inaallowed ng mga gobyerno pero hindi hawak ng gobyerno ang batas dito.Iba ang batas sa labas at iba din ang batas sa loob ng paaralan na ito. Pi...