Kabanata 2

44 25 0
                                    

Kabanata 2

Tagaktak na pawis ang buong mukha at katawan ko habang nilalakad-patakbo ko ang kalsada papunta sa apartment. Isang kanto lamang ang layo nito mula sa aking trabaho. Katatapos ko lang mag-duty sa trabaho at medyo natagalan dahil sa dami ng customer na dapat asikasuhin.

Pagkarating sa apartment, naligo ako nang mabilis at inayos ang mga gamit na kailangan ko sa pagpasok sa university. Limang minuto lang naman ang byahe papunta doon pero kailangan ko pa ring magmadali dahil ngayon pa lang ako magpapa-enroll.

Mabuti na lang talaga malapit ang apartment ko sa terminal ng bus kaya nakaabot agad ako sa oras bago pa ito umalis. Dahan-dahan kong tinahak ang loob ng bus habang yakap-yakap ang aking bag upang hindi ko masagi ang sino man sa bus. Sa bandang likod pa ako nakaupo, mabuti na lang may tira pa talagang upuan kung hindi mas madadagdagan ang pagod na nararamdaman ko. Mini bus ang sasakyan kung kaya't masikip at iilan lamang ang nakatayo. Simula nang nakaraang buwan madalang na lamang ang mga jeep na bumibyahe at halos mini bus na rin ang sinasakyan ng mga tao.

"Umuulan!" sigaw ng katabi ko. Kung hindi siya nagsalita hindi ko mapapansin na babae pala siya. Nakasuot siya ng puting hoodie at may nakalagay na headset sa magkabilang tainga niya.

Medyo bumagal ang byahe dahil sa ulan at sa ginagawang daan. One way lamang ang kalsada ngayon. Kinakailangan pang magbigayan ng daan ang mga motorista upang umusad ang mga sasakyan. Madalas na naiirita ako sa ganiong sitwasyon lalo na kung naghahabol ako ng oras pero nang nakita ko ang ngiti sa repleksyon ng katabi ko sa salamin ng bus naisip ko na hindi naman pala masama ang hindi mairita sa biglaang pagbuhos ng ulan dahil kahit paano ay nakapagpahinga ako kaya medyo nabawasan ang pagod na nararamdaman ko. Nasa mindset lang talaga siguro ng tao kung paano sila sumaya, kagaya na lamang ng babaeng katabi ko ngayon. Parang nabigyan ng kulay ang ulan dahil sa kaniyang matamis na ngiti.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling ito sa ibang kasamahan na nakasakay sa bus na nakatayo. Lahat sila'y nakatingin din sa labas, pawang nag-iisip kung kailan titila ang ulan. Bakas sa mukha nila ang pagkainis habang ang iba naman ay may lungkot sa itsura na parang nagsho-shoot ng music video. Bahagya akong napatawa sa naisip kong 'yon at napailing. Panigurado kung hindi ko katabi ang babae na ito, katulad din siguro ng mukha nila ang mukha ko ngayon.

Sabi ni Dr. Steve Maraboli, "Happiness is a state of mind, a choice, a way of living; it is not something to be achieved, it is something to be experienced." Madaling sundin sa utak ang kasabihang ito. Madali ding panindigan ang kasiyahan kung nararanasan ito sa kasalukuyan ngunit mahirap nga lang panindigan sa susunod na sitwasyon dahil madalas nating nakakalimutan, at nadadala sa bigat ng problema. Minsan ko na ring naisip na maging positibo lagi sa buhay  dahil nakaka-fresh ito sa utak kaya madaling masolusyunanan ang mga problema. Ngunit kagaya nga ng nasabi ko, mahirap panindigan ang pagiging positibo lalo na sa kagaya kong impulsive na tao.

Hindi ko napansin na nakatitig na rin pala ako sa bintana ng bus at pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan na umaagos dito. Sa pagmamasid ko rito nang matagal muntik na akong lumagpas sa destinasyon ko. Tumayo agad ako at lumabas. Nabasa ang uniporme ko sa ulan dahil wala akong dalang payong. Kaagad akong pumasok sa gate. Hindi na nag-abala pa ang guard na i-tsek ako dahil kilala na nila ako. Dumiretso ako sa registrar, nasa ibaba ito ng unang building na malapit sa gate. Good thing walang nakapila kaya pagkarating ko roon inasikaso agad ako. Pinapasok ako sa registrar office upang i-evaluate ang mga subjects na pwede kong kunin. Nang naiayos na ang mga subjects maging ang schedule, nag-enroll agad ako at saka dumiretso sa cashier upang makapagbigay ng downpaymet.

Irregular student nga pala ako kaya palipat-lipat ako ng room sa bawat klase ko. Hindi ko naman talaga pangarap na magtapos ng kolehiyo sadyang naisip ko lang na maganda rin ang maging degree holder para madaling makahanap ng magandang trabaho kung kaya ipinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Dati na akong nag-aral pa sa kolehiyo pero tumigil ako dahil hindi ko hilig ang pag-aaral. Nag-graduate na siguro ako kung hindi lang ako tumigil, at ngayon irregular  student naman ako sapagkat may mga subjects akong na-credit kaya hindi ko na kailangan pang kunin ulit ang mga iyon.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon