Kabanata 7
Ilang minuto na akong naglalakad sa buong campus at ngayon ko lang natanto kung gaano talaga ka-convenient ang magsuot ng earphone dahil naiwan ko ang akin sa apartment.
"Is that Daryll? Gwapo ha."
"Oo, mukhang mayaman."
"Ang swerte ng gold digger na iyon naka-jackpot!"
Paulit-ulit lang ang naririnig ko sa mga nakasasalubong ko kahit na mahina lang ang boses nila. Siguro araw-araw ganito rin ang bukang-bibig nila kaya hindi ko na binigyang pansin pa ang mga naririnig ko. Nakakapaghinayang lang talaga na hindi ko nadala ang earphone ko para sana walang mag-istorbo sa akin. Katulad ngayon may babaeng nag-abot sa akin ng sulat. Nginitian ko lang siya at tinanggap ang papel. Nagpasya akong itago iyon sa bag ko ngunit nang binalik ko ang mata ko sa harap ko ay nakita kong nasa tapat ko pa rin ang babae at nakatitig nang mariin sa akin.
"Pwedeng basahin mo mismo sa harap ko?" mahinang wika niya. "Gusto kong makita ang reaksyon mo," dagdag niya.
Sigurado ba ito sa gusto niyang ipagawa sa'kin? Kung sabagay ako lang naman ata ang hindi sigurado na gawin ang gusto niya dahil hindi ako nagbabasa ng love letters na binibigay sa akin. Pinapakita ko lang sa kanila na gustong-gusto ko ang mga loveletters nila para hindi sila mapahiya dahil maraming nakatingin lagi sa akin. Ibang usapan ata ngayon dahil gusto niyang basahin ko ang bigay niyang letter.
Kinuha ko ang papel sa unang bulsa ng bag ko.
Bakit ko pa kasi nakalimutan ang earphone ko edi sana hindi nangyari ito.
Pilit akong ngumiti sa babaeng nasa harap ko at saka binuksan ang papel na bigay niya. "Dear Daryll, I know that..." sana mag-ring na ang bell, "this is the first time that you met someone like me. Alam mo ba na para kang bituin sa langit na kaakit-akit, at pipilitin kitang abutin kahit ano man ang mangyari... " Seriously? Ganito ba lagi ang laman ng mga love letter na binibigay sa akin? The lines are too old.
Binasa ko na lang sa isip ko ang kasunod na sentences upang hindi ako maumay. Binilisan ko rin ang pagbabasa at ngumiti-ngiti na rin para hindi niya mahalata ang tunay kong nararamdaman.
"Salamat," wika ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
Hindi naman siya nagsalita pa at natulala na lamang kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang pumasok sa first subject ko. Since marami pa rin ang nakatingin sa akin, sa hindi ko malamang dahilan, binulsa ko na lamang ang papel o love letter na binigay sa akin kaysa sa itapon iyon sa basurahan.
Sa susunod talaga hindi ko na aalisin ang earphone ko sa phone ko kahit anong mangyari. Nakakahiya ang pinagawa nila sa akin. Kaasar! Bakit ba gustong-gusto akong ipahiya ng mga babae? Nung una nung nadapa ako at dahil iyon kay Rian pero napatawad ko na siya roon pero nahihiya pa rin ako sa tuwing naaaalala ko ang pangyayaring iyon. Mas mabuti siguro kung tatangihan k ona sa susunod ang nga binibigay nilang letter tutal nagbagong buhay na rin ako at hindi na basta-bastang pumapatol kahit kanino tuwing nakakaramdam ako ng ka-boring-an sa buhay ko.
Binitawan ko ang shoulder bag ko sa aking upuan at pinunasan ang pawis na nasa mukha ko. Ito ang hirap kapag nalalagay ka sa hot seat na hindi naman talaga hot seat. Sadyang nakakahiya lang.
"Tol, may binigay sayong chocolate?" wika ni Michael na mukhang chocolate. Kahit kailan talaga puro pagkain na lang ang nasa isip niya.
Umiling ako sa kaniya at saka inabot na lang ang letter na binigay sa akin kanina.
"Mukhang nagiging low budget na ang mga nanliligaw sa'yo ha. Huwag mo silang sagutin kung ganiyan sila. Hindi ako natutuwa. Hayyyys... Akin na 'tong letter."
BINABASA MO ANG
Hold on to the Bare Minimum
RomansaSi Dylan Torres ay isang License Professional Teacher (LPT). Nagtuturo siya sa isang public school at maging sa isang private university kung saan tinuturuan naman niya ang mga kolehiyo. Aakalain na sobrang passionate niya sa pagtuturo dahil binubuh...