Kabanata 18

15 12 18
                                    

Kabanata 18

Nagpatuloy ako sa paglilinis ng mga gamit na nakalagay sa tabi ng TV. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Kung si Michael lang ang nagsabi ng balitang iyon marahil hindi ko paniniwalaan ngunit maging sina Anne at Katrina bukang-bibig ang paghihiwalay nina Rian at James.

Hindi ko inaasahang makikipaghiwalay agad si Rian matapos niyang mahuli si James na may kahalikang babae. Ang akala ko magpapakatanga pa siya at bibigyan ng panibagong pagkakataon si James.

Ayon kay Michael, apat na araw ng hiwalay ang dalawa. Maraming nakakaalam sa hiwalayan nila sapagkat nakita ng mga friends sa Facebook ni Rian ang pagpapalit ng kaniyang status na Single. Hindi ko siya friend sa Facebook kaya hindi ko alam ang pangyayari sa buhay niya.

Magkasunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Sigurado akong si Rian na iyon. Lumapit ang tatlo sa pintuan. Umatras ako upang mabigyan sila ng sapat na espasyo at mabuksan nila ang pintuan. My heart is beating so fast. I haven't seen Rian for how many days. Ang malaman na hiwalay na sila ni James ay isang malaking ginhawa sa akin.

"Mabuti na lang tumuloy kayo. Pasok kayo," rinig kong wika ni Michael habang pinupunasan ko ang lababo.

Sinusubukan kong hanapin ang mga gamit na wala sa ayos. Lahat naman ng mga ito ay maayos ang pagkakalagay at malinis. Wala ding alikabok na makikita sa lagayan. Mukhang wala na talaga akong ibang magagawa kung hindi harapin si Rian kahit na hindi pa rin umiinahon ang kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Naghugas muna ako ng kamay at saka pinunasan iyon.

Lumabas ako ng kusina. Habang naglalakad ako dinig na dinig ko ang malakas nilang tawanan. Nawala lamang ang kaingayan nila nang nakita nila akong papalapit sa kanila.

"Dylan, pinapasok ko na sila."

Tinanguan ko si Katrina.

"Pakainin niyo muna. Marami pang tirang pagkain sa kusina," I said, my voice trails off and I look on TV. It's awkward to have her here. It's not because I don't like her to be here. It's just that I don't know if she's blaming me for their breakup or whatever things that she could accused me.

"Tara, Rian, kumain na muna kayo para makainom tayo mamaya. Isama mo si Hayley."

Ipinako ko ang aking mata sa TV. I can see them, from my peripheral vision, leaving together.

"Ginoo," a voice says from behind me.

I turn around to see Rian, standing close to wall and holding a paper bag. Her eyes are sparkling and her smile is wide. I can feel my heart beating faster.

"Para sa'yo 'to." Inilagay  niya sa paanan ko ang paper bag.

I can't string a sentence. I gulp. "Para saan 'to?"

"Peace offering? I'm really sorry for what I did to you. Sana mapatawad mo ako." Her voice lace with sincerity.

I smile. Relief floods through me. I stand, looking her right in the eye. "Hindi ka na dapat nag-abala pa. Besides, hindi naman ako galit sa--"

"Tol, mamaya ka na pumorma diyan pakainin mo muna. Hindi ka na ba makapaghintay?" Putol ni Michael sa sinasabi ko.

I glare at him. Panira talaga ito. "Kumain ka muna. Huwag mong pansinin yang mokong na iyan," pang-aalo ko.

Tipid niya akong nginitian at tinalikuran na ako upang makapunta sa kusina. Pinakawalan ko ang aking hininga na kanina ko pa pinipigilan. Ngayong hiwalay na sila ayaw kong guluhin ang buhay niya. Ayaw kong pilitin siyang payagan akong manligaw. Matagal ko ng alam na may nararamdaman ako sa kaniya kaya ko nga ginagawa ang lahat para maprotektahan siya ngunit hindi ibig sabihin non na may karapatan akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon