Kabanata 22

18 11 34
                                    

Kabanata 22

Last night, I was busy doing some calls. If I have to pull string, I'll do it to make all of those jerks will be inside the prison. I asked our family lawyer to handle this case, kaya nasisiguro kong matatatanggap nila ang parusang dapat nilang tanggapin.

Pinatay ko ang shower at kumuha ng isang towel na nasa cabinet upang mapunasan ang buong katawan ko. Dito ako sa banyo magbibihis kung kaya dinala ko rito ang mga damit ko . Hindi naman pwedeng pumunta pa ako sa kwarto nang nakatapis dahil nandito pa ang dalawang magkapatid. Ayaw kong mailang sila sa akin kung gagawin ko man iyon.

Pagkalabas ko ng banyo at habang naglalakad ako papunta sa sala, nakasalubong ko si Rian na tumatakbo papuntang kusina.

"Iyong niluluto ko," rinig kong bulong niya sa kaniyang sarili.

"Tol!"


Napatalon ako sa malaking boses na narinig ko. Nilingon ko si Michael, nakatayo siya sa tabi ng TV at may hawak na charger ng phone.

Lumapit siya sa akin at saka niya ako hinatak papalapit sa pintuan.

"Ikaw ha, tol," pauna niya habang nakangising aso. "Buong akala ko pa naman torpe ka. Ngayon pala sobrang bilis mo at talagang binabahay mo na si Rian."

Hinampas ko siya gamit ang tuwalyang pinampupunas ko sa buhok ko.

"Tangina ka talaga. Kung ano-ano na namang sinasabi mo."

"Tss. In denial ka pa, tol. Sabay pa nga kayong naligo e."

"Anong sabay kaming naligo? Nakita mo ba kaming sabay na lumabas sa banyo?"

"Siyempre baka pinauna mo na siyang lumabas ng banyo. At saka huwag mo ng itanggi, tol, pareho ngang basa ang buhok niyo e."

Hinampas ko ulit siya ng tuwalya upang matauhan siya sa sinasabi niya.

"Kailan mo kaya gagamitin yang utak mo sa maayos na paraan?"

"Makapagsabi ka naman sa akin ng ganiyan parang hindi talaga ako nag-iisip noh. Mag-usap nga tayo ng masinsinan, tol. Lalaki sa lalaki. Aminin mo sa akin kung bakit nandito si Rian. Maliban sa binabahay mo na siya, wala na akong maisip na iba pang paraang."

"Hindi ko nga siya binabahay."

" Tss. Ayaw pa talagang umamin. Hindi ko naman iyon ipagkakalat sa iba. Sa atin lang dalawa. Bakit nga kasi siya nandito?" Patuloy pa rin niya akong nginingitian ng nakakaaasar. Mukhang wala na naman itong magawa sa buhay niya kaya pinag-iinterasan niya ako.

Binuksan ko ang pintuan at itinulak siya palabas.

"Nagtatanong ako!"

"Saka na lang kita sasagutin kapag maayos na ang andar ng utak mo."

Sinaraduhan ko siya ng pinto. Maging ang barrel bolt lock ay ginamit ko upang hindi siya makapasok ulit.

Kinakabahan ako sa bibig niya baka kung ano pang lumabas doon at marinig pa ni Rian. Bakit nga ba ako pumayag na maging kaibigan ko ang lalaking iyon? Puro hangin lang naman ang laman ng utak niya.

"Umalis na si Michael?"  tanong ni Rian.

Malakas ang boses niya kaya narinig ko siya kahit nasa sala palang ako.

"Oo. May lakad daw siya."

Binuksan ko ang pintuan papuntang balkonahe. Sinampay ko ang tuwalya sa clothes rack upang masinagan ito ng araw. 

Bumalik ako sa loob upang makatulong ako sa ginagawa ni Rian sa kusina. Pagkarating ko sa pagitan ng divider, huminto ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko siyang kumilos. Pabalik-balik siya sa dalawang kaserolang nakasalang sa kalan. Walang mababakas na kapaguran sa kaniyang kinikilos. Kung minsan naririnig ko siyang kumakanta ngunit mahina ang kaniyang boses, sapat lang iyon upang marinig ko siya mula sa kinatatayuan ko. 

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon