Wakas

17 4 6
                                    

Wakas
(Exerpt from Lost and Found of Regret, Not by Rain-rain)

Kinagat ko nang mariin ang pulang lollipop sa bibig ko. Sobrang tamis nito kaya kahit binabawalan ako ni mama na bumili ng ganito, bumibili pa rin ako.

Dahan-dahan kong nginuya ang candy at hinila ang puting stick ng lollipop. Umupo ako sa lupa. At saka mariin na ipinadausdos ang lollipop stick sa lupa upang makapagsulat ng mga letra na inaaaral kong isulat.

Natapos kong isulat ang unang letra. Masaya na ako kahit na may kapangitan pa at hindi pantay-pantay ang linya ng unang letra. Sabi ni mama magiging maganda rin daw ang sulat ko kapag nagsusulat ako palagi. Gusto kong maging kasing ganda ng sulat ni mama ang sulat ko.

Sinulat ko naman ang isa pang letra at ang dalawa pa. Hindi pantay-pantay ang pagsusulat ko. Mukhang lumilipad nga ang mga letrang sinulat ko.

"Rian."

Napatingin ako sa batang lalaki na nakatayo sa likuran ko. Hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Your name has similar letters to rain."

"Rain? Hindi ba ulan ang rain?"

"Oo. Pahiram ako ng stick mo."

Ibinigay ko sa kaniya ang lollipop stick. Umupo siya sa tabi ko. Ngayon ko lang siya nakita dito sa parke. Mukhang maraming pera ang mama niya dahil sobrang ganda ng damit niya, maputi siya, at mabango. Habang ako naman ay gusgusin na at amoy araw dahil sa maghapong paglalaro ko sa parke.

"Rian... Rain."

Tiningnan ko ang isinulat niya.

Tama nga siya. Magkapareho lang ang letra ng pangalan ko sa rain.

"Rain...rain..." wika niya habang tinuturo ang salitang sinulat niya.

Tanging pangalan ko lang ang alam kong baybayin pero ngayon nadagdagan na ang alam kong spelling.

Tiningnan ko siya. Mukhang mas matanda siya kaysa sa akin. Nag-aaral na kaya siya? Sabi ni mama kapag alam ko na raw isulat ang pangalan ko ie-enroll niya raw ako.

"Anong pangalan mo?"

Nagsimula siyang magsulat. Nag-umpisa siya sa letrang D at natapos sa letrang N at ang ganda ng sulat niya. Pantay-pantay. Walang lumilipad na letra at bumababa. Pero walang saysay naman ang magandang pagkakasulat niya kung hindi naman naiintindihan ang sinulat niya.

Paano ba basahin ang magkadikit na katanig? Kailangan ko ng patanig. Bakit isa lang ang patinig sa pangalan niya?

Isang matandang may hawak na tungkod ang lumapit sa tabi namin. "Apo, umuwi na tayo," wika niya.

Tumango naman ang batang lalaki at tumayo na siya. Pinagmasdan ko lamang sila. Pareho silang may suot ng bago at malinis ma damit. Mayaman ba sila?

"Ipakilala mo naman sa akin ang bago mong kaibigan, apo."

Nginitian ako ng matanda kung kaya tumayo ako at ngumiti rin sa kaniya. Baka bigyan niya ako ng pambili ng kendi. Sayang din iyon.

"Siya po si Rain-rain," saad ng batang lalaki.

Rain-rain? Rian kaya ang pangalan ko. Bakit naman niya ginawang ulan?

"Ang ganda ng pangalan mo, anak."

Gusto kong itama ang sinabi ng bata kaso nang nakita kong humugot ng pera ang matanda naisip kong mas mabuti na hindi ko na lang itama ang sinabi ng lolo niya. Kahit na ayaw kong maging kapangalan ang ulan. Ayaw ko nga sa ulan dahil hindi ako nakakalaro dahil doon.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon