Kabanata 10

19 17 3
                                    

Kabanata 10

I'm burning. Masamang tingin ang ipinukol ko sa bawat kaklase kong nandito sa loob ng classroom habang hinihintay ang kanilang sagot. Hinawakan ni Michael ang balikat ko, sinusubukan akong pakalmahin ngunit hindi ko siya pinansin.

Sumagi sa isip ko ang kalagayan ni Rian. I need to check if she's okay. Masasamang salita ang sinasabi sa kaniya sa Facebook post na iyon.

Tumakbo ako papunta sa classroom nila. Wala akong pakialam kung may makabangga man ako. Pagkarating ko sa classroom nila mabilis kong inilibot ang mata ko. Tahimik akong pinagmamasdan ng mga kaklase niya at mababakas ang gulat sa kanilang mukha. Panigurado alam na rin nila ang ginawang kagaguhan kay Rian.

"Nasaan si Rian?!" sigaw ko nang hindi ko siya nakita. Walang nagtangkang magsalita sa kanila. Panay ang iwas nila sa aking tingin.

"Kaibigan ako ni Rian," tumingin ako sa aking likuran at nakita ang pamilyar na matabang babaeng dumagan sa akin sa sidewalk. I have no time to confront her about that accident. Sa ibang pagkakataon ko lang siya kakausapin tungkol doon.

"Nasaan si Rian?"

"Hindi siya pumasok ngayon. Siguro alam mo na ang isyung kumakalat tungkol sa kaniya. Alam kong kilala mo si Rian at alam kong kaya mong patunayan na hindi totoo ang paratang sa kaniya. Sana tulungan mo ang kaibigan ko," wika niya.

"Nakita ko si Rian kanina... " napatingin ako sa isa pang kaklase niya na nakayuko habang nagsasalita. "Pumasok siya kanina kaso nung saktong nakalagpas na siya sa gate nilupungan siya ng maraming estudyante at saka sinabahan ng mga masasamang salita," dagdag niya.

Lalong tumindi ang galit ko dahil sa narinig kong iyon. I need to do something. Kung sino mang nag-post ng mga pictures namin at gumawa ng malisyosong salita laban kay Rian ay sisiguraduhin kong mananagot sila.

Pipilitin kong hindi gumamit ng dahas sa pagresolba ng problemang ito. Kahit na gustong-gusto kong patayin lahat ng nakakasalubong kong puro bukang-bibig si Rian.

Kinausap ko ang Dean at iba pang matataas na opisyales sa eskwelahan upang ipaalam sa kanila ang isyung nagaganap sa university at ang aking gagawin. Naging madali ang lahat ng hakbang na ginawa ko habang iniisip kung gaano ako ginalit ng mga kapwa ko estudyante.

Umakyat ako sa entablado at hinarap ang mga estudyante. Pinatipon ko sila sa field. Lahat ng estudyante ay napasunod nila dahil iyon ang gusto ko. Hinawakan ko ang mikropno at nagsimulang magsalita.

"Hindi ko kayo babatiin ng isang magandang hapon sapagkat hindi maganda ang pagsalubong na ibinigay ninyo sa akin. Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko dahil mukhang nakalimutan niyo na kung sino ako o sadyang hindi niyo lang talaga alam."

It's not my thing to be boastful. Pero dahil sa ginawa nila na hindi maganda hindi na ako magdadalawang-isip pa na itago ang sikreto ko.

"I'm the heir of the university," panimula ko. Natahimik ang lahat ng estudyante. Gulat na expression ang nakikita ko sa mukha ng mga estudyanteng nasa harapan ko at maging ang iba pa.

"And I'm also the founder of Tertiary Financial Assistance that is only exclusive here, on our university. The 60% of you financial assistance were came from my own pocket. Now, of course, hindi ko kayo itinipon dito para ipagmalaki ang bagay na iyon. Narito ako upang pangaralan kayo dahil mayroong kumakalat na isyu."

"Nabigyan naman kayo ng handbook noong pasukan. Every year may handbook na ipanapamahagi sa inyo. Sa handbook na iyon nakalagay doon ang rules and regulations ng school. At isa sa rules na nakalagay sa contract ng inyong scholarship ay wala dapat kayong lalabagin sa mga rules ng school. But the problem is some... Let me correct that, most of the students are not following the rules. Do you know the consequences of not following the rules?" I'm fuming.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon