Kabanata 5

28 26 0
                                    

Kabanata 5

Ilang araw na ang lumipas simula nang pumasok ako sa klase ng BEED. Pagkatapos non, ilang gabi rin akong napupuyat sa kaiisip kung may mali ba akong nagawa sa kaniya. At kagabi lang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit hindi ako pinapansin ni Rian.

Pilit akong hinihila ng mga katrabaho ko papasok sa locker room. Ilang beses na akong pumalpak sa pagse-serve at pagkuha ng order sa mga customer nitong nakalipas na araw at ngayong araw din na ito. Sinusubukan kong ayusin ang sarili ko ngunit patuloy na nanginginig ang kamay ko kaya kung minsan ay nababasa ang tray na hawak ko dahil sa inumin.

Nagpasya ang manager na pauwiin muna raw ako at magpahinga sa araw na ito.

Gusto ko mang magpahinga ngunit hindi ko magawa dahil sa kakaisip kung paano makipag-ayos kay Rian ngayong araw.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba kaya hindi ako makatulog kahit nakapikit na nang matagal ang mata ko. Napagpasyahan kong maagang sumakay ng bus at pumasok dahil wala naman akong gagawin pa sa apartment at sobrang naiinip na ako.

Paminsan-minsan ay sinusuyuran ko ng tingin ang bawat dumadaan sa tabing gate, nagbabakasakaling makita ko siya at sasabay akong maglakad. Ngunit makalipas ang ilang sandali, tumunog na ang bell at hindi ko pa rin siya nakita kaya nagpasya akong pumasok sa unang klase ko.

"Tol," bati sa akin ni Michael at tinanguan ko na lang siya. Hindi ko napansin na ina-apiran pala niya ako kaya hinampas nito ang braso ko.

"Hindi ka na namamansin ha. Simula kahapon, hindi mo na ba ako talaga tropa? Nakahanap ka na ng bagong tropa? Sino yon?"

"Wala," maikling sagot ko sa kaniya. Mabuti na lang dumating na ang prof kaya hindi na ako kinulit pa nito.

Nakatulala lang ako minsan sa prof habang nakikinig sa kaniya. Kung minsan napapatingin ako sa malaking orasan sa taas ng blackboard at gusto ko na itong piitin ng mabilis upang matapos agad ang klase.

Ang sabi ko pa naman bago nagsimula ang klase seseryosohin ko na ang pag-aaral ko. Seseryosohin ko naman talaga. Kailangan ko lang palipasan ang araw na ito at pag-aaral ko naman ang aasikasuhin ko. Sa ngayon, aayusin ko muna ang dapat ayusin.

"Maaari na kayong lumabas."

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas sa classroom. Malamig ang hangin ngayon mukhang magkaka-thunderstorm na naman. Pero kahit malamig pinagpapawisan pa rin ako. Nararamdaman ko rin na mainit ang balat ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong may hinahabol kahit wala naman at kahit na alam ko sa sarili ko na may mali sa nararamdaman ko hinayaan ko pa rin ang sarili ko na magpadala sa emosyon.

Mabilis akong nakarating sa harap ng classroom nila Rian.  Sarado pa ang pinto, ibig sabihin hindi pa tapos magklase ang prof nila. Tumingin ako sa phone ko upang makita ang oras. May limang minuto pa pala bago talaga matapos ang klase, sadyang nagpa-early dismissal lang siguro si ma'am.

Halatang hindi talaga ako nakinig sa klase kanina maging excuse siguro ni ma'am kung bakit may early dismissal bigla hindi ko man lang narinig. Inabala ko saglit ang sarili ko sa pag-iisip nang dapat sabihin kay Rian. Should I buy some foods or her? Para may peace offering sana...

Ano kayang pagkain ang pwede? I think any sweets will do. Lahat naman ng babae ang gusto yung chocolate, kasi tanda ko pa halos lahat ng naging girlfriend ko gustong-gusto nila na bilhan ko sila ng chocolate.

I run into cafeteria to get some chocolate, and hurriedly go back. Magugustuhan niya kaya ito kahit dark chocolate? Wala na kasing ibang flavor kaya ito na lang ang binili ko. Dapat ata ibang brand na lang ng chocolate ang binili ko. Ano ba yan! Hindi ko alam ang gagawin ko. Okay lang naman sa akin kahit maubos itong perang dala ko basta...basta!

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon