Kabanata 28
"Anong balak niyo ngayong araw? Gusto niyo bang gumala? Holiday ngayon. Pwede nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Ano? roadtrip gusto niyo? Kain na lang tayo sa labas."
We just finished eating our breakfast, now, we were having some rest before we'll go out and have some sunlight.
"Hindi ako pwede ngayong araw. Kayo na lang muna siguro. Pupuntahan namin ni Dylan si Hayley," wika ni Rian.
Inayos ko ang mga unan sa sofa at inilagay iyon sa tamang pwesto. Mas magandang umalis at iwanan ang apartment na maayos ang lagay at walang nakakalat na gamit.
"Isama na lang natin si Hayley," suhestiyon ni Michael habang tinutupi ang mga damit nila Anne at nilalagay iyon sa kanilang overnight bag.
"Hindi pwede. May project kasing gagawin si Hayley kaya hindi rin magtatagal ang pagkikita namin," Rian said while combing her hair. Lumapit siya sa akin at ipinahawak ang kaniyang kulay green na suklay. Kinuha ko iyon at sinuklayan ang aking buhok.
She's doing a ponytail.
Nang natapos na siya, kinuha niya sa akin ang suklay at pinaupo ako sa sofa.
"Susuklayin kita ha."
Pinadausdos niya ang suklay sa aking buhok. Umabot ang iilang buhok ko sa aking mga mata. Napansin niya ang pagkurap ko at paghawi sa mga iyon. Sinuklayan niya ako nang pahilis, from left to right ang pagsusuklay niya. Hinati niya ang aking buhok sa dalawang bahagi. Paulit-ulit niya pa itong sinuklayan upang mapanatili ang pagkabukod ng buhok ko sa itaas ng aking ulo sa buhok ng aking kaliwang ulo.
"Ayan. Saglit lang may kukunin ako," pumasok siya sa kwarto at lumabas din agad na may hawak na hair spray.
She sprayed my hair. Hindi pa siya nakuntento sa isang wisik at nag-spray pa siya ulit. Hinawakan niya ang iilang buhok na nakatakip sa aking noo at ini-spray-an pa iyon.
"Wow! May igagwapo ka pa pala, Sir Dylan!" bungad ni Catherine habang pinupunusan niya ang kaniyang buhok gamit ang isang damit.
"Baka, Ginoo ko 'yan."
Uminit bigla ang aking mukha. Hearing Rian saying those words makes my heart flutter.
"Edi ikaw na ang may gwapong jowa, Rian!"
"Si Anne din naman may gwapong jowa!" sigaw ni Michael mula sa kusina.
"Huwag kang sumingit sa usapan namin! Hindi ka belong. Hanggang dito lang sa sala ang usapan!"
Nag-umpisa na ulit silang mag-away at umingay na naman ulit ang apartment. Si Anne ay hindi na lamang pinapansin ang bangayan nila. Mukhang sanay na siya sa pakikipag-away ni Michael.
"Bagay nga sa'yo ang ganiyang hairstyle. Parang Korean lang," mahinhin niyang wika.
"Oppa yan?" biro ni Rian.
Napailing ako sa sinasabi nila ni Anne.
"Isang heart naman diyan, Dylan," dagdag pa ni Anne.
Sinimangutan ko silang dalawa. Ipinakita ni Rian ang kaniyang dalawang daliri at itinapat iyon sa mukha ko.
"Oppa. Saranghae oppa."
I held her hand and put it on my lap. Nang-aasar na naman siya.
"Stop playing. Alas-otso na ng umaga. Nakaalis na si Hayley niyan."
She looked at her wrists watch and read the time. "8:05 a.m. Tara na."
Nauna na kaming umalis. Inabilin ko na lamang sa kanila ang apartment--siguraduhin nilang nakasarado ito at nakapatay lahat ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Hold on to the Bare Minimum
RomanceSi Dylan Torres ay isang License Professional Teacher (LPT). Nagtuturo siya sa isang public school at maging sa isang private university kung saan tinuturuan naman niya ang mga kolehiyo. Aakalain na sobrang passionate niya sa pagtuturo dahil binubuh...