Kabanata 6

30 25 0
                                    

Kabanata 6

Maraming nagsasabing nakakatakot at boring ang pagiging irregular student. Sa kaso ko, siguro sanayan lang. Expect ko na na ganito ang magiging daloy ng buhay ko sa school. Yung tipong paiba-ibang room ang papasukan mo para sa iba-ibang subject na mayroon ka at iba-iba rin ang mga nagiging kaklase mo. Mahirap lang siguro ay yung kung paano mo kukunin ang tiwala sa'yo ng mga kaklase mo para kausapin ka, pero sa akin hindi na mahalaga pa 'yon dahil pumapasok lang naman ako sa university para makapagtapos at wala ako rito para makipagkompentensiya sa mga matatalino.

Kumuha ako ng libro sa tabing desk ng librarian. Sinadya ko na doon sa parteng bookshelf ako kumuha upang isipin ng librarian na narito ako upang magsunog ng kilay at hindi para matulog. Pumunta ako sa pinakadulong parte ng library. Mayroong long table at bench dito. Bihira lang magkaroon ng estudyanteng nagbabasa rito kaya dito ako nagpupwesto. Kadalasan nasa harap sila ng mga bookshelves kung saan kitang-kita sila ng librarian. Inilagay ko ang libro sa mesa at saka ito binuksan. Dahan-dahan kong nilagay sa dulo ng bench ang bag ko. Pahiga na sana ako sa mahabang upuan ngunit mayroong tumabi sa akin. It's her. Inayos ko ang upo ko at kinuha ang libro.

"Hey, Ginoo," masayang bati niya.

Nalilito ko siyang tinignan dahil hindi ko alam kung anong sadya niya dito sa library.

Nag-escape ba siya?

Wala silang prof?

O sinusundan niya ba 'ko?

"Vacant namin," sagot niya na para bang narinig niya ang mga tanong sa isip ko. "Ikaw? Buti nandito ka?"

Tinabi ko nang kaunti ang bag ko upang maipatong niya sa table ang laptop niya. Ramdam ko ang bigat ng ulo ko at talukap ng mata ko. Gustong-gustong matulog ng katawan ko ngunit pinasusubalian naman ito ng utak ko dahil nandito si Rian. Masaya siguro ako kung maayos ang pakiramdam ko ngunit hindi ako okay kaya hindi ko alam ang gagawin ko.  "Vacant din."

Tumango-tango lang siya at saka tinignan ang librong nasa tabi ng bag ko. "Mag-aaral ka? Huwag kang mag-alala 'di kita iistorbohin."

"Hindi, matutulog sana ako."

Nanlaki ang mata niya at pinipilit na hindi ngumiti.

"Saan ka naman hihiga rito?" Mainahon ang boses niya ngunit punong-puno ng kasiyahan. Lalo lang akong inantok sa boses niya.

"Dito sa upuan."

Tumango ulit siya at tinapik nang dahan-dahan ang upuan.

"Matulog ka na. Sasabihin ko na lang sa'yo kapag nag-ring na ang bell."

Kanina pa ako tinutukso ng antok ko na matulog na. Hindi na rin kaya ng mga mata ko na bumukas talaga kaya kailangan ko ng matulog. Pero dahil nandito si Rian, nakakahiya namang matulog sa tabi niya. Mas maganda siguro kung pupunta na lang ako sa clinic para doon ako magpahinga.

"Dito na sa tabi ko," pilit niya.

Nahihiya akong tumingin sa kaniya at sa upuan.

"Pasensiya na ha. Wala na kasing ibang mahihigaan," pabulong na wika ko at tuluyan ng humiga sa upuan.

Sinigurudo ko na hindi nakadikit ang ulo ko sa hita niya kung kaya't umatras ako ng kaunti.

"Okay lang. Mukhang pagod at puyat ka. Ang lalim ng mata mo."

Sasabihin ko sana sa kaniya na okay lang ako at worth it naman ang pinagdaanan kong puyat at pagod dahil naging maayos na rin ang pakikitungo niya sa akin, kaso ayokong maging kumplikado pa ang usapan o humaba pa.

Hindi ko alam kung kailan ko ulit naramdaman ang payapa ang iniisip at masarap na paghila ng antok sa akin. Nakakapayapa talagang maresolba ang mga problema. Saktong umabot na ako sa kailaliman ng antok ko nang biglang may matigas na bagay ang tumama sa noo ko.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon