Kabanata 27
"Huwag na tayong pumasok sa school. I'm not feeling well," hinila ko siya pahiga sa aking tabi.
Katatapos niya lang patuyuin ang kaniyang buhok. Sobrang bango niya.
Kinalas niya ang mga braso kong nakapalipot sa kaniyang bewang at hinarap ako. "Ginoo, huwag ka ngang umakto ng ganiyan. Akala mo naman talaga totoong may masakit sa kaniya."
"Walang masakit sa akin pero nanlalambot ako sa ginawa natin. Huwag mo muna akong tuksuhin."
Hanggang ngayon ramdam ko pa ang panginginig ng tuhod ko.
"Aba? Kasalanan ko pa iyon? Ikaw nga diyan ang sumunggab sa akin. Masakit din ang ano ko!"
"Anong ano? " pilyo kong tanong.
Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas niya sa mukha ko ang unan.
"Ginoo! Umayos ka nga! Nakakahiya!"
We both laughed-- she teared up from too much laughter while my cheeks felt swollen.
"Ginoo, huwag kang magsasalita ng ganiyan kapag nasa university na tayo."
"Of course, everything will be private but don't you ever dare to deny it if they ask you about us. Okay?"
"Is it okay with you? Wala ka ng manliligaw niyan, Ginoo."
"Coming from someone who has suitor, huh," I said, irritated.
Wala na siguro akong mahihiling pa. She's mine. I feel that everything fell into its place. I have no complaints; Rian is on my passenger seat, singing along with the 5 Seconds of Summer music while banging her head. She even used her phone as her imaginary microphone.
"Your lipstick stain is a work of art. I got your name tattooed in an arrow heart and I know now, that I'm so down..."
I'm not good at singing. Kahit tinatapat niya sa aking bibig ang kaniyang kaliwang kamay, na kunwaring mikropono niya, hindi pa rin ako kumanta. Natatakot akong ma-turn off siya sa akin kapag narinig niya ang boses uwak ko. Ipinanganak lang talaga akong gwapo at hindi para kumanta.
Hindi niya minasama ang pagtanggi ko sa kaniya, bagkus mas lalo niya pang nilakasan ang boses niya. She's so energetic. I wonder where she got that energy. Kung minsan sinasabayan ko ang pag-headbang niya upang maipakita sa kaniya na nag-e-enjoy ako sa pakikinig sa kanta--dahil na rin siguro kasama ko siya.
Magkasabay kaming lumabas ng sasakyan. Hindi na niya ako hinintay pang pagbuksan siya ng pintuan, kusa na niya itong binuksan at lumabas.
Some of the students are looking at us. I didn't mind them, sinabayan ko na lamang siyang maglakad hanggang sa narating namin ang club room.
"Can I stay inside?"
"Oo, tara."
Binuksan niya ang pintuan. Unang nahagilap ng mga mata ko ang mga taong nakaupo. Kasunod naman nito ay si Thalia na pinatutugtog ang gitara.
"Oh speaking of the devil..." wika ni Thalia na nagpatigil sa tawanan ng kaniyang mga kasama. Binigyan niya ako ng pilyong tingin na parang may ginawa o ginagawa siyang kalokohan.
"Good afternoon, Thalia," bati ni Rian sa kaniya.
"Good afternoon too, Rian. Parang noong isang araw lang magkasabay pa tayong kumain sa apartment ni Dylan."
"Pumunta si Rian sa apartment ni Dylan?" Michael butted in.
"Pinagluto ko lang siya noon, Michael."
"Pinagluto mo rin ba siya ngayon?" malisyosong tanong ni Thalia.
BINABASA MO ANG
Hold on to the Bare Minimum
RomanceSi Dylan Torres ay isang License Professional Teacher (LPT). Nagtuturo siya sa isang public school at maging sa isang private university kung saan tinuturuan naman niya ang mga kolehiyo. Aakalain na sobrang passionate niya sa pagtuturo dahil binubuh...