Kabanata 14

19 17 8
                                    

Kabanata 14

Sinasanay ko ang sarili ko na hindi mapag-isa at may pagkakaabalahan. Madalas nasa bar ako at nakikipag-usap sa mga dati kong kakilala. Kapag nagsasawa na ako lalapit lang ako kay Michael na nasa front bar lagi. Umiiwas siya sa maraming tao. Natatakot daw siya na may biglang babaeng dumikit sa kaniya at mabalitaan pa ito ni Katrina.

Kanina pa siya humihinga ng malalim at ginugulo ang buhok niya. Tinapik ko ang braso niya. "Mayroon bang problema?"

"Tsk," hinilamos niya ang mukha niya. "Ito pinoproblema ang kagwapuhan ko."

Inubos ko ang alak sa baso ko.

"Si Anne. Hindi na pumupunta sa bahay namin," dagdag niya

"Iyon naman ang gusto mo hindi ba?" iyon ang alam ko dahil ang sabi niya dati nahihiya siyang makita ni Anne na napapalo sa mama niya.

"Oo, pero hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko. Pinili ko naman kung saan magiging madali sa akin ang lahat kaya nga niligawan ko si Katrina."

Noong sinabi pa lang niya sa akin na liligawan niya si Katrina, alam kong gagawa lang siya ng malaking problema. Mukhang ito na nga ang problemang tinutukoy ko.

"Seryoso ka naman ba kay Katrina? Mayroon ka na bang feelings sa kaniya?" usisa ko.

Nanlaki ang kaniya nga mata, tila gulat sa kaniyang narinig. Sa expression palang ng kaniyang mukha alam ko na ang kaniyang sagot.

"Mas maganda siguro kung tigilan mo na ang ginagawa mong iyan. Makipaghiwalay ka na kay Katrina habang bago palang kayo sa relasyon."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Sasaktan mo lang siya. Hindi mo naman siya mahal kaya hiwalayan mo na."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailangan ba na mahal namin ang isa't isa para ipagpatuloy ang relasyon namin?"

Sinapo ko ang ulo ko. Sa pagkakaalala ko ito pa lang ang unang beses na pumasok siya sa relasyon. Hindi ko masasabi na inosente lang ang lalaking ito dahil nasa edad naman siya. Hindi. Mali ang naisip ko. Hangin lang pala ang laman ng utak niya kaya natural na wala siyang alam.

"Kailangan iyon. At saka tanong ko lang paano kapag sinabi niya sa'yo ang salitang I love you, anong isasagot mo non?"

"Thank you ang sagot ko, tol," mabilis niyang tugon.

Napakamot ako sa ulo at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Really?" I exhaled. "Ilang beses mo siyang sinagot ng thank you?"

"Hmmm... Madalas niyang sinasabi sa akin yung I love you, kaya madalas din akong nagsasabi ng thank you. Mali ba?"

Tangina. Seryoso ba itong lalaking ito? O baka nahihiya lang na amin sa akin na nagsasabi siya ng I love you too? Kahit saan ko namang tignan mukhang hindi siya nagsisinungaling.

"You know what? You should--" busit hindi ko alam kung anong advice ang sasabihin ko. Na-stress lang ako sa kaniya. "Umuwi na tayo."

I'm done with him. Magkakaisip din ito.

Pinatunog ko ang sasakyan ko, nakalimutan ko na kung saan ko ito pinark. Marami na rin ang sasakyang nandito kumpara kaninang alas nueve. Naglakad kami papalapit sa kotse. Nasa likod ko lang si Michael, kinakausap ang sarili niya.

Tinanaw ko ang dalawang tao sa hindi kalayuan sa pwesto ng sasakyan ko. Familiar sa akin ang likod ng lalaking iyon. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin pero sigurado akong nakikipaghalikan siya sa babaeng kasama niya, base na rin kung paano ang pwesto nila. Mas maganda siguro kung hindi ko na lang iisipin na kilala ko nga ang lalaking iyon. Mababaliw ako kung siya nga iyon at baka mapatay ko pa. I relax myself for awhile. Hindi ako nakakasigurado sa nakita ko dahil malabo ang mata ko. Besides nakainom ako kaya baka iba na ang nakikita ko.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon