Kabanata 20

22 14 17
                                    

Kabanata 20

Hindi ako makatulog sa buong magdamag. Sobrang daming pumapasok sa isip  ko ng dahil lang naging close ulit kami ni Rian. Masyado akong nae-excite sa mga naiisip kong pwedeng mangyari sa susunod na araw na pagsasama namin. Yayayain ko siyang lumabas palagi para kumain, kagaya ng dati. Mas mabuti sigurong mag-commute na rin ako para sabay kaming umuwi.

Siya kaya? Anong gagawin niya?

Sana hindi na ulit kami dumating sa puntong kinakailangan ulit naming mag-iwasan. Sana habang-buhay na kaming ganito ka-close. Sana habang buhay kaming maging masaya.

Ano ba naman itong naiisip ko. Mukhang masyado akong advance na mag-isip para sa future gayong kakaayos palang namin ni Rian. Epekto panigurado ito ng labis kong kasiyahan kaya panghabang-buhay na ang imagination ko para sa aming dalawa.

I get up and drink some water. The time on my wall clock reads 5:03 a.m.

Hindi na ako makakatulog pang muli dahil magpahanggang ngayon buhay na buhay ang diwa ko. Binuksan ko ang refrigerator at naghanap ng maaaring iluto para sa almusal. I found eggs, ham, and drinks. These are the only things that I have here. I need to go to the grocery later. Nakakahiya naman sa mga bisita ko at sila pa ang nagdadala ng pagkain dito para may makain lang kami.

I start cooking. Inuna ko ang pagpiprito ng itlog at ham bago ako nagluto ng sinangag.

I heard a yawn behind me. Tiningnan ko kung sino iyon. Nakita ko si Rian na nakatayo sa tabing mesa habang nag-uunat.

"Good morning, Ginoo," she said in her sleepy voice.

"Good morning."

"Ang aga mong nagising."

Hinila niya ang upuan nang marahan upang ito'y hindi maglikha ng tunog.

"Want some coffee?"

She nodded as she closed her eyes.

I brewed our coffee. Nang okay na ang kape inilagay ko ang kaniya sa kaniyang harapan.

"Thank you. Magsisipilyo muna ako."

Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang sipilyo sa kaniyang kaliwang kamay.  Hinayaan ko siya sa nais niyang gawin at tinapos ko ang aking ginagawa.

"Hey, tol, ang aga mo ngayon," si Michael habang sinusuot ang pang-itaas niyang damit. Papunta siya sa banyo kaya sinabihan ko muna siyang umupo dahil nandoon si Rian.

"Marunong ka na palang magluto?"

"Kahit sino kayang magluto ng prito."

"Kunsabagay."

Iniwan ko siya sa kusina at binuksan ang TV. Eksaktong papaupo palang ako sa sofa nang dumating si Hayley. Umupo siya sa tabi ko. Nakapikit ang kaniyang mga mata at laking gulat ko nang niyakap niya ako.

"Hayley," tawag ko sa kaniya. Mukha siyang batang maliit.

"Hmm..." mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. Napangiti ako sa ginawa niyang iyon. Halatang sobrang komportable ng batang ito sa akin. Naalala ko sa kaniya si Celine. Ganito rin siya ang ginagawa niya sa tuwing naaalimpungatan siya. 

Inalis ko ang mga buhok na nakatakip sa kaniyang mukha.

"Hoyy! Hayley!" sigaw ni Rian. Tiningnan ko siya. Umuusok ang kaniyang ilong at nakapameywang.

"Hoyy!"

Hindi kumibo si Hayley. Lumapit siya sa amin at saka hinila ang buhok ng kapatid niya.

Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Natakot akong makialam sa kanila dahil mukhang dragon ngayon ang maamong Rian na kilala ko.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon