Kabanata 25

22 7 44
                                    

Kabanata 25

"This is important. Huwag ka ng maging tamad kahit ngayon lang," wika ni Kuya Ace.

"Magkausap na rin lang naman tayo ngayon sa phone. Sabihin mo na ngayon. Wala akong oras para pumunta pa riyan."

"Mas maganda nga kung makita mo."

I gritted my teeth. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa nilang dalawa ni Thalia. Nang dahil sa kanila hindi ko nakasama si Rian noong Sabado at magpahanggang ngayong araw. Sa araw na iyon lamang siya may oras para sa akin pero umeksena pa sa buhay ko ang problema nilang dalawa. Palagi na lamang nila akong dinadamay.

Ngayon, ginugulo ako ni Kuya Ace, pinipilit niya akong pumunta sa kaniyang office. Sobrang layo no'n mula rito sa library, kung saan ako nakatambay.

"You will not believe it! But if you see it, man, you'll be awed!"

I shook my head. Whatever he wanted to show seemed entrancing due to his excitement. Poor him, I had no interest in anything considering the trouble they brought me.

"Ayaw ko."

"Don't be a KJ!"

"WHAT?! I'm not!"

Natutop ko ang bibig ko sa pagsigaw kong iyon. Pinukulon tuloy ako ng masamang tingin ng librarian.

"You're retarded as always!"

Lumabas ako ng library bago pa ako bungangaan. Kanina pa ako nakatambay roon. Ilang araw na ring tahimik ang buhay ko dahil hindi ako sinasamahan ni Michael. It sounds odd to me. I tried to understand that it's normal for he is in a relationship.

"Hintayin mo ako diyan! Kahit matanda ka sa akin wala ka pa ring karapatang pasunurin ako sa'yo!"

"Oh really? Why am I seeing you walking towards the office building?"

I stopped walking and peered around to the balcony of his office. I saw a man oh his suit waving at me.

"Hurry up!"

I gritted my teeth and walked lazily.

Pagkaapak ko palang sa office building sinalubong na agad ako ng mga guro. They were from high school department.

"Good afternoon, Sir," bati ng mga guro.

"Good afternoon din po sa inyo."

"Ang tagal na namin kayong hindi nakakausap, Sir. Gusto niyo po bang pumasok sa faculty room?"

"Salamat po pero may sadya kasi ako sa president office."

"Ayy ganoon pala, Sir. Sige po hindi na namin kayo aabalahin pa."

"Pasensiya na kayo. Hahanap ako ng araw na pwedeng tayong magsalo-salong lahat."

"Maraming salamat, Sir."

" Maraming salamat din po sa inyo," magalang kong saad.

Tinalikuran ko sila at pumasok sa elevator. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko. Magulo ang buhok ko na tinatakpan ang aking noo. Inayos ko iyon at saka na lumabas sa elevator.

Sinuyod ko ng tingin ang hallway. Malinis ito at mayroong mga halamang nakalagay sa bawat harapan ng mga kwarto. Idinaan ko ang aking tingin sa maliit na salamin ng conference room, walang tao sa loob.

Sinunod kong tiningnan ang nga iba't ibang klaseng indoor plants na nadadaanan ko. Nakadagdag ang mga iyion ng buhay sa hallway.

"Dylan!"

Tiningnan ko siThalia na tumawag sa akin, nakatayo siya sa tapat ng pinakadulong office. Nilapitan niya ako, ang kaniyang suot na black stilletos ang nagbigay ng ingay sa hallway.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon