Kabanata 4

36 26 2
                                    

Kabanata 4

So her name is Rian, not Rain. I'm looking forward to see her again.

Huwebes na at may klase ulit ako kasama ang BEED. As usual, nangungulit na naman si Michael saktong nakalabas na sa room si Ma'am Adelaida.

"Tol, ligawan mo na. Sobrang kulit kasi non ayaw tumigil kaya ligawan mo na."

"Hindi ako interesado, ikaw na lang," wika ko sa kaniya.

"Ayoko nga. Kaya ko nga siya pinapaligaw sa'yo."

"Edi huwag mo na lang siyang kausapin para hindi ka na makulitan pa," matigas na tugon ko.

Tinapik niya ako sa balikat at dramatic na umiling.

"Tol, hindi ko inaasahan na sasabihin mo 'yan. Dati-rati kaagad manliligaw ka na. Anong nangyari ngayon? Nasaan na yung chickboy na Dylan na kilala ko? Ikaw ba talaga yan? O isa kang mahiwagang nilalang na kung tawagin ay shipshifter?"

"Gago shapeshifter yon," pagtatama ko sa kaniya.

"Oo, iyon nga ang sinabi ko."

"Wala ka talagang mabuting dulot sa akin kaya ka iniwan ni Daryll e, " pang-aasar ko sa kaniya.

"Aba aba, walang personalan naman tol. Ikaw na nga lang itong nakakausap ko pagkatapos ginaganiyan mo pa ako. Gusto ko na nga lang din mag-irregular para makasama kita lagi."

"Utot mo. Diyan ka na nga, mali-late na 'ko sa susunod kong klase."

Pagkarating ko sa classroom kapansin-pansin ang kaniya-kaniyang grupo ng sekyon na ito na abala sa kani-kaniyang usapan. Umupo agad ako sa likod at gulat namang tumingin ang ibang kaklase ko sa akin na parang hindi makapaniwala na kaklase nila ako kahit na pumasok na ako rito noong nakaraang araw. Baka pinag-uusapan nila ang pagkadapa ko nang isang araw. Bahala sila kung anong sabihin pa nila.

"Aba, Ginoong Torres nariyan ka na pala," maingay na pagbati sa akin ni Rian.

"Huwag mo nga akong tawaging ginoo."

"Aba, bakit naman? Lalaki ka at nagpapakadalubhasa ka sa wikang Filipino kung kaya't nararapat lamang na ika'y bansagang ginoo," natatawang sagot nito. She's energetic. Umaabot ang ngiti niya sa kaniyang tenga. At nilalapatan pa niya ng kilos ang bawat salitang sinasambit niya.

"Kahit na. At saka paano mo nalaman ang apelyido ko?" sa pagkakaalam ko hindi ko naman sinabi sa kaniya ang pangalan ko at maging apelyido ko.

"Aba, Ginoong Torres napupuno ka ng kasungitan. Bukod kang pinagpala sa lahat, pati sa kasikatan--." Pinitik ko ang ulo niya para tumigil sa pagsasalita na katono sa pagrorosaryo. "Aray!" daing niya. Tinignan niya ako ng masama, but I find it funny.

"Sagutin mo ng diretso ang tanong ko."

Bakas sa mukha niya ang pagkainis dahil sa ginawa ko. Mukhang napalakas nga ng konti ang ginawa kong 'yon sa kaniya dahil namula bigla ang noo niya.

"Ano ba naman yan, 'di ka ba aware na kilala ka sa buong university dahil sa kagwapuhan mo?" naiinis niyang tugon.

Alam ko naman na gwapo ako pero hindi ko alam na makikilala ako dahil sa mukha kong ito. Maraming babae na rin ang nagbalak na ligawan ako mismo pero hindi ko gusto ang ganong galawan.

"Gwapo? Ibig sabihin ba niyan nagagwapuhan ka sa akin?" pabiro kong tanong na nagpalaki bigla sa kaniyang mata.

"Aba! Ginoong Torres napupuno ka rin pala ng kahanginan," malakas niyang sagot. Alam kong pang-iinsulto ang sinasabi niya ngunit natawa ako sa kaniyang sinabi at sa expression ng kaniyang mukha na namumula.  Bukod pa doon nahihirapan siyang magsalita ng medyo may pagkalalim o makalumang Filipino.

Hold on to the Bare MinimumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon