ELSIE
"'Di man lang ako nasabihan na magkikita-kita pala kayo?"
Natulala silang tatlo nang makita ako . . . ang tatlo kong matalik na kaibigan, sina Grim, Franco at Fatima.
"Akala namin busy ka. Sabi kasi ni Franco ay marami kang ginagawa sa office," sagot ni Grim. Inayos niya ang upuan sa tabi niya at sinenyasan niya akong umupo. Medyo nakaramdam ako ng tampo kasi palagi naman nila akong inaaya kahit na busy ako. Hayaan ko na nga lang.
"Oo, medyo tambak ang trabaho. Ano pala'ng meron?"
Sinundan ko kanina si Franco mula sa office. Nagtaka kasi ako dahil hindi siya dumaan sa kalsada papunta sa bahay nila.
"Wala naman," sagot ni Franco.
"Ganyan ka na naman sa wala naman mo." Sinimangutan ko siya, ramdam kong may tinatago sila. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya.
"H'wag ka nang magtampo, Els. Inaya ko lang sila ng dinner. Akala ni Franco, mag-o-overtime ka at ayaw ka naman naming istorbohin," malumanay na paliwanag ni Fatima.
Sa aming apat, si Fatima ang pinakamabait. Palagi siyang nakangiti, selfless at maaalalahanin. Siya ang pinakamaliit sa amin at hanggang balikat ang haba ng buhok niya. Classmate namin siya ni Grim no'ng high school. Ipinakilala ko sila kay Franco noong nag-aral ako ng college. Si Franco naman ay parang isang mailap na tupa. Halos hindi niya pinapansin sina Grim at Fatima noong college years namin, tapos ngayon parang ako pa 'yong natanggal sa picture.
Pinakamatalik kong kaibigan si Grim. Mula pa noon ay magkasama na kami at pareho kaming may toyo sa utak.
"I'm sorry, Elsie," sabi ni Franco. Binigyan na naman niya ako ng tingin na di ko matitiis.
"Oo na. Kayo talagang tatlo. Ano palang in-order n'yo?"
"Nag-order kami ng pasta, pero dahil nandito ka na, dagdagan natin ng pizza," sagot ni Grim. Ang haba ng ngiti sa mukha niya.
"Wow!"
Tinawag ni Franco ang waiter para magpadagdag ng pizza. Habang naghihintay kami ay 'di ko maiwasang titigan ang mga kaibigan ko. Parang ang papayat nila lalo si Fatima? Ba't naninibago ako?
"Okay ka lang, Els?"
"Oo. Okay lang ako."
Okay nga lang ba ako?
★★★
"Sorry ha, hindi kita inaya kanina."
Magkasabay kami ni Franco na umuwi. Nakasakay kami sa upuan sa likod ng driver ng bus.
"Kadalasan naman kapag busy ako ay inaaya mo pa rin ako ng dinner."
Hindi naman sana big deal 'to, kaso ngayon lang niya ginawa 'to. Nagpaalam pa siya sa 'kin kanina. Ang pinagtataka ko pa, parang napakaseryoso ng pinag-uusapan nila kanina no'ng nasa bungad ako ng pintuan ng restaurant.
"Simple dinner lang, 'yon."
Napabuntong-hininga na lang ako. Hinawakan ko ang buhok ko dahil lumalakas ang hangin na pumapasok sa bintana ng bus.
"Okay."
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Pakiramdam ko ay kakaiba ang paligid mula no'ng nagising ako sa bahay no'ng lalaking boyfriend ko kuno. Parang ang tagal kong tulog, o epekto ng cocktail? Alangan namang may naglagay ng gamot sa loob ng baso ko?
BINABASA MO ANG
A Game of Truth and Dare
ParanormalNot a typical truth or dare because you'll do it BOTH. *** While visiting a deserted temple, a group of friends decided to engage in a game of truth and dare. They are unaware that the location is inhabited by evil spirits. As they answer the truth...