🖤
"Eerie."
Hindi na napigilan ni Fatima ang pagbuo ng takot sa puso niya. Silang lima ay nakatayo sa harapan ng templo. Pare-pareho sila ng reaksyon—pagkabigla.
Nasa harapan nila ang isang templong gawa sa mga bato at ladrilyo. Napalilibutan ang kabuuan ng templo ng mga nagtataasang mga damo at lumot na sumiksik na sa mga dingding. Mataas na ang araw dahil pare-pareho silang hindi nagising nang maaga dahil sa alak at pagod.
"Papasok pa ba tayo?" natatakot na tanong ni Fatima.
Walang may lakas ng loob sa kanila na magsalita. Bukod sa takot at pagkabigla na nararamdaman nila ngayon, hindi nila maalis sa isipan nila ang nakita nila sa kamay ni Grim kagabi. Tinanong nila si Elsie kung alam ba niya ang tungkol doon dahil sila ang pinakamatagal na magkakilala, pero maski siya ay walang ideya sa nangyayari kay Grim. Puno sila ng katanungang hindi nila alam kung masasagot ba. Napagdesisyunan nilang hindi muna nila ito babanggitin hangga't hindi sila nakakauwi.
"Tara, nandito na tayo," pag-aaya ni Grim sa kanila.
Huminga nang malalim si Elsie. Kinukutuban siya ng masama sa aura ng lugar. Wala itong pintuan at kitang-kita ang kadiliman sa loob. Ultimo ang araw ay takot na magbahagi ng kanyang liwanag sa naturang templo.
Mabagal silang naglakad papasok. Pinapangunahan nina Alejandro at Franco ang daan. Magkahawak-kamay naman sina Fatima at Elsie. Malamig ang panahon, pero tumatagaktak ang mga pawis nila mula sa kanilang noo.
Lahat sila ay nakahawak ng flashlight, pero hindi ito sapat para makita nang buo ang paligid. Inalis nina Alejandro at Franco ang mga nakaharang sa daan na mga makakapal na agiw. Mabaho ang paligid at masakit sa ilong. Ang tanging naririnig nila ay ang mga yapak ng kanilang mga paa.
Nagpatuloy silang naglakad at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. Pare-pareho silang natatakot na baka sa simpleng ingay ay may mabulabog sila.
Makaraan ang ilang minuto ay napahinto sila sa paglalakad nang may natanaw sila sa dulo ng maikling pasilyo.
"May apoy yata ro'n," sabi ni Alejandro kay Franco. Itinuro niya ang dulo ng pasilyo.
"May tao kaya rito?" tanong naman ni Franco sa kanya.
"Natatakot na ako," naluluhang sabi ni Fatima. Niyakap ni Elsie ang kanyang braso.
Dumaan sila sa pasilyo at napatigil sila sa paglalakad nang bumungad sa kanila ang napakaraming kandila.
"Sino'ng nagsindi ng mga ito?" tanong ni Elsie. Alam niyang walang makasasagot sa kanila, pero nasambit pa rin ng kanyang bibig ang kuryosidad ng kanyang utak.
Maliwanag na ang paligid dahil sa mga tanglaw na nakapalibot sa mga dingding at mga kandilang nakapatong sa mahabang lamesa. Nasa tatlumpu ang mga kandilang may sindi.
"Ba't may mga torch dito?" tanong din ni Fatima.
"May nauna siguro sa 'tin?" hula ni Grim.
Ibinaba nila ang kanilang mga gamit at pinatay ang ilaw ng flashlight, maliban kay Franco.
"Mukhang bago pa lang 'tong mga kandila," sabi ni Alejandro.
BINABASA MO ANG
A Game of Truth and Dare
ParanormalNot a typical truth or dare because you'll do it BOTH. *** While visiting a deserted temple, a group of friends decided to engage in a game of truth and dare. They are unaware that the location is inhabited by evil spirits. As they answer the truth...