🖤
"Since I was young, I always cherished my mom."
Namumuo ang mga luha sa mata ni Fatima. Tuloy-tuloy lamang ang pagpunta niya sa support group na sinalihan niya. Nais niyang maibsan ang sakit na nararamdaman niya na tila bangungot kung dumadalaw tuwing gabi. Taimtim na nakikinig sa kanya ang sampung taong may iba't ibang lahi na tulad niya ay dumaraan sa matinding depresyon.
"When I was a kid, whenever I had a fever, she stayed at home to look after me, made porridge, and didn't sleep so she could keep an eye on me."
Tinutulungan naman siya ng kanyang mga kaibigan lalo si Elsie, pero ayaw na niyang maging pabigat pa sa kanila. Lagi siyang nakangiti at tumatawa sa harapan nila para itago ang lungkot na nararamdaman niya dahil para sa kanya ay pamilya niya silang apat.
"She helped me grow as a person and gave me strength to improve myself. For me . . . no one can replace her."
Tumulo ang kanyang mga maiinit na luha na pinupunasan niya ng panyo. Para siyang nakahinga . . . mula sa masikip na alaala.
🖤
ELSIE
"Handa ka na ba?"
Kinakabahan akong tumango kay Tita Pina.
Inilibot ko ang paningin ko. Nandito kami sa pinakadulong kuwarto sa bahay niya. Ngayon lang ako nakapasok dito at para akong hihimatayin no'ng nakita ko ito. Katamtaman lang ang laki ng kuwarto. May isang kama na kulay pula ang bedsheet at mga puting kandila na pinagmumulan ng liwanag sa kuwartong 'to. May mga nakasabit sa dingding na mga rebulto ng iba't ibang mukha ng hayop. May mga malalaking hugis bilog na bola ang nakasabit sa kisame. Kulay ginto ang mga ito na nagniningning kahit may kadiliman ang kuwarto. May mga pigura din ng araw at buwan na nakapatong sa mahabang lamesa sa tabi ng kama. May mga iba't ibang klase ng bulaklak sa paligid na nakadagdag sa aroma ng mga scented candles.
Kinakabahan ako. Ramdam ko ang pawis ko sa noo.
"H-hindi po b-ba kayo natatakot dito?"
Ngumiti lamang siya. Abala siya sa pagsisindi ng mga insenso. "Hindi, iha. Humiga ka na at mag-relax ka lang. Ihahanda ko lang ang mga kakailanganin natin.
Tumango na lang ako 'tsaka lumapit sa kama. Malaki ang tiwala ko sa kanya.
Hindi masyadong malambot ang kama. Humiga ako at pinapanood ko ang ginagawa niya. May inilabas siya sa malaking paper bag na isang clear bottle na naglalaman ng mga papel. Ang sabi niya sa 'kin kanina ay isinulat niya lahat ng taong kilala ko sa papel na 'yon. May malaking bowl na gawa sa marmol ang nasa harapan niya. Isa-isa niyang inilagay roon ang mga mahahalagang gamit ko tulad ng mga litrato ko, 'yong kuwintas na niregalo sa 'kin ni Kuya, 'yong paborito kong damit at singsing na bigay ni Mama, 'yong friendship bracelet ko na binili naming magkakaibigan, mga maliliit na branch ng puno at basil leaves. Nagsindi siya ng apoy mula sa posporo at sinunog ang mga bagay na 'yon, 'tsaka niya nilagay ang mga papel na nakalagay sa clear container.
Kahit na sinabi na niya sa 'kin kanina na susunugin niya ang mga 'yon ay hindi ko pa rin maiwasang manghinayang dahil mahalaga sa 'kin ang mga bagay na 'yon. Iniisip ko na lang na malaki naman ang magiging kapalit.
BINABASA MO ANG
A Game of Truth and Dare
ParanormalNot a typical truth or dare because you'll do it BOTH. *** While visiting a deserted temple, a group of friends decided to engage in a game of truth and dare. They are unaware that the location is inhabited by evil spirits. As they answer the truth...