The Rules

17 5 24
                                    

🖤

"Elsie . . ."

"Can I talk to you?" tanong ni Alejandro kay Elsie.

Itinigil muna nila ang ginagawa nila sa loob para kumalma si Grim. Lumabas muna ng templo si Elsie para magpahangin. Tinitimbang niya kung tama bang ituloy ang ginagawa nila o sakyan na lang niya ito. Para sa kanya ay may sayad sa utak kung sino mang gumawa ng libro na 'yon at hindi niya alam kung paanong ipaliliwanag sa kanila na hindi tamang ginagawa nila 'yon sa loob ng isang abandonadong templo.

Napatingin siya kay Alejandro, pero hindi siya nag-abala na lingunin ito. "Ano'ng sasabihin mo?"
Maski ang sarili niya ay nagulat dahil sa lambot ng kanyang boses, samantalang sa loob niya ay sumisigaw ang puso niya.

"I'm sorry. Sorry kasi hindi ko nabibigyan ng time ang relasyon natin."

Humarap si Elsie sa kanya. Hindi na mabilang sa kanyang mga daliri ang ilang beses na binigo niya ang babaeng pinakamamahal niya.

"Sorry ulit?"

Nakaramdam ng tusok sa kanyang dibdib si Alejandro. Hindi siya nakapagsalita dahil alam niyang mali siya.

"No'ng birthday ni Mama, 'di ka pumunta. Dadalaw ka lang kung kailan mo gusto. 'Di mo sinasagot ang mga tawag ko. Tatawag ka 'pag alam mong tulog na 'ko. Parang may girlfriend ka lang kung kailan mo gusto!"

Napayuko ang ulo ni Alejandro. Titig na titig siya sa lupa at naghahanap ng maari niyang isagot. Alam niyang mali siya at tama ang sinasabi ni Elsie.

"Alam ko naman na busy ka. Busy ka sa trabaho at sa kapatid mo. Naiintindihan ko rin 'yang madalas mong dahilan na pressure, pero pa'no naman ako? Kahit kaunting time man lang sana, pero wala!"
Pinipigilan ni Elsie ang pagtulo ng kanyang mga luha na nakabitin sa mga mata niya.

"I'm sorry," sambit muli ni Alejandro na patuloy pa ring nakayuko. Alam niyang walang magagawa ang sorry niya, pero nablangko na ang isip niya.
Kung may kinamumuhian man siya ngayon ay wala ng iba kundi ang sarili niya. Hindi niya sinabi kay Elsie na baon sa utang ang pamilya nila na iniwan sa kanya ng tatay niya. Bukod sa hirap na siya sa pagbabayad ng mga bayarin sa bahay, kailangan niyang pag-aralin ang kapatid niya, kaya mula umaga, hanggang gabi ay hindi siya tumitigil sa pagtatrabaho para tuluyan na siyang makalaya sa problemang pinansyal. Malaki man ang kinikita niya sa pagiging copy editor, hindi naman ito sumasapat para makahinga sila sa tambak na bayarin.

"Break na tayo," matigas na pagkasabi ni Elsie.

Napatingin si Alejandro sa kanya. Tuluyang tumulo ang mga luha ni Elsie nang magkasalubong ang mga mata nila.

"Please, h'wag mong gawin sa 'kin 'to," pagmamakaawa ni Alejandro. "Promise, magbabago na 'ko. Gagawin ko lahat, 'wag mo lang akong iwan."

"Els! Alejandro! Pasok na kayo. Ituloy na natin ang laro," tawag sa kanila ni Fatima mula sa bungad ng templo. Hindi niya napansin ang nangyayari sa dalawa dahil mabilis siyang pumasok.

Mabilis na pinunansan ni Elsie ang kanyang mga luha. Naglakad na siya palayo at walang nagawa si Alejandro kundi ang sumunod sa kanya.

NAKAUPO na silang lahat nang madatnan sila nina Elsie at Alejandro. Tahimik lamang si Grim at namamaga pa rin ang mga mata niya.

A Game of Truth and DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon