🖤
"Oh my god, ito ba 'yung sinasabi niyang maliit na gubat? One hour na tayong naglalakad, pero still, mga puno lang ang nakikita natin," nanghihinang pagkasabi ni Fatima. Ilang beses na siyang uminom ng tubig, pero hindi nababawasan ang init sa katawan niya.
Umupo si Elsie sa isang malaking bato. Parang mauubusan siya ng hininga.
"Medyo malayo pa tayo sabi rito sa map," sabi ni Franco.
"Wala kasing signal, para sana ma-track natin 'yung location," sabi naman ni Alejandro. Hinaplos niya ang likuran ni Elsie.
Napatingin si Franco sa pagitan ng mga nagtataasang puno. Dumidilim na. "Mas okay kung magpahinga muna tayo rito. Bukas na lang ng umaga natin puntahan 'yung templo."
"Hello! Patatagalin pa natin ang pagpunta ro'n?"
"Ba't ba nagmamadali ka?" buwelta ni Franco. Hindi naman siya nagagalit, pero pagod na rin siya. "Idea mong umakyat dito. Pumayag naman kami, pero tao rin tayo. Baka mamaya, may mangyari pang masama kung tumuloy tayo."
Bumagsak ang mga balikat ni Grim. "Sorry naman. Baka kasi may mga wild animals dito."
"Baka naman wala, kasi marami ring nakatira sa bayan na 'to," sagot ni Franco.
Pumagitna si Elsie sa kanilang dalawa. "Ganito na lang, mag-vote tayo kung sino'ng gustong matulog dito at kung sino'ng magpapatuloy."
"Sige," sagot ni Grim.
"Gusto kong matulog dito. I'm so tired na," sabi ni Fatima.
"Ako rin. Hindi naman tayo nagmamadali kasi two days 'yung mga leave natin," dagdag ni Alejandro.
"Okay, okay. Mag-set up na tayo ng tent," sabi ni Grim 'tsaka niya ibinaba ang backpack niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Elsie kay Grim.
Ngumiti si Grim. "Oo naman. Na-excite lang kasi ako."
Ibinaba na nila ang mga dala nila sa gilid. Sinimulan na nina Franco at Alejandro na buuin ang dalawang tent na dala nila.
"Alam n'yo, ang saya palang maabutan ng dilim dito. Isa 'to sa bucket list ko, ang mag-camping!" natutuwang sabi ni Fatima. Umupo muna sila ni Grim. Tinulungan naman ni Elsie sina Franco at Alejandro.
"Kaya nga. Kahit papa'no nakahinga tayo sa mga trabaho natin," pagsang-ayon ni Alejandro.
Napabungisngis si Grim "Oo nga e. Kung 'di ka pa namin inaya, 'di ka pa magpapakita. Ang lamig na tuloy sa 'yo ni Elsie."
Siniko ni Fatima si Grim kaya napatakip ito sa kanyang bibig.
Nabuo na nila ang tent na tutulugan ng mga babae. "Grabe lang talaga ang pressure sa trabaho ko. Na-promote ako last month kaya nadagdagan pa lalo 'yung responsibility ko," nalulungkot na paliwanag ni Alejandro. Sinusulyapan niya si Elsie na tumutulong sa pagbuo ng tent.
Naririnig lahat ni Elsie, pero mas pinipili niyang tumahimik at h'wag pansinin ang tungkol sa trabaho ni Alejandro. Ilang beses na silang nag-away at pagod na pagod na siya para umintindi pa.
BINABASA MO ANG
A Game of Truth and Dare
ParanormalNot a typical truth or dare because you'll do it BOTH. *** While visiting a deserted temple, a group of friends decided to engage in a game of truth and dare. They are unaware that the location is inhabited by evil spirits. As they answer the truth...