Fatima's Dare

15 5 32
                                    

ELSIE

"Okay ka lang, iha? Namumutla ka."

Mabuti na lang at mabilis kong naibalik ang sarili ko kahit na inaatake ako ng kaba. Oo nga pala, buhay pa si Tita Frida ngayon. August one ngayon at sa December ang nakatakdang kamatayan niya. Mamamatay siya dahil sa sakit na Leukemia. Dahil do'n ay hindi agad 'yon natanggap ni Fatima kahit na ilang taon na ang lumipas.

"O-opo." Umubo ako para maging maayos ang paos kong boses. "Good evening po."

Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kanya dahil literal na kaharap ko noon ang isang taong matagal nang patay!

"Good evening din, iha."

Hindi ko maiwasang titigan siya. Bakit gano'n? Napakasigla niya, samantalang noon ay mahina na siya dahil unti-unti nang lumalabas ang mga sintomas ng sakit niya.

"Aakyat lang ako. Kain na tayo maya-maya," paalam ni Tita Frida. Parang may tono ng musika ang lambing ng pagsasalita niya.

"Sige po."

"Okay, Mommy."

★★★

"Please, Mr. Chavez, give me a month. Mababayaran ko na 'yong dalawang buwang utang na 'di ko nabayaran. Nagkasakit lang talaga si Alfred at kinailangan ko siyang ipa-admit sa hospital."

"You're full of excuses, Mr. Flores! Bakit hindi mo na lang ibigay sa 'kin 'tong bahay at lahat ng laman nito para matapos na?"

Napatakbo akong nagtago sa puno na katapat ng bahay ni Alejandro. Nagsisigawan sila ng isang lalaking mukhang nasa edad thirty pataas. Hugis oblong ang mukha, may makakapal na kilay at malalaking mata. Pabilog din ang kanyang ilong at makakapal din ang kanyang mga labi. Hanggang balikat lang siya ni Alejandro. Nakasuot siya ng makakapal na gold accessories mula necklace, bracelet at singsing. Nakabihis siya ng suit and tie at may hawak na folder. Sino siya?

"Just give me a month. Nagkaroon lang talaga ako ng emergency. Pasensya na kayo, Mr. Chavez," pagmamakaawa ni Alejandro.

Magulo ang kanyang buhok. Nakasuot lamang siya ng khaki shorts at itim na sweatshirt. Nakaramdam ako ng awa dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit malayo ako sa kanya ay ramdam kong problemado siya.

Napakamot sa ulo ang lalaking kausap niya.

"Kapag wala pa next month . . . " Tiningala niya ang tatlong palapag na bahay, 'tsaka muling nagsalita, "kailangan n'yo nang umalis. Pasalamat ka may awa ako sa 'yo, pero pakisabi sa magaling mong tatay, 'pag nakita ko siya ay ililibing ko siya nang buhay!"

Hindi nakapagsalita si Alejandro. Pinanood lamang niya ang lalaki na naglakad kasama ang bodyguard niya papunta sa isang itim na kotse.

Nang makaalis ang kotse ay pinagsusuntok niya ang pader ng bahay nila.

Tumakbo ako palapit sa kanya. "Alejandro . . . "

Napatigil siya sa ginagawa niya at pareho kaming napatingin sa dumudugo niyang kamao.

Parang tumigil ang mundo nang magkasalubong ang mga mata namin. Parang may tali na nagkokonekta sa mga titig namin.

A Game of Truth and DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon