Muling magtagpo
Ang pag-iibigan natin ay tila ba isang tula.
Ito ay walang sukat at tugma,
Depende sayo kung gaano ito kahaba.
Isang tulang malaya at mapag palaya.Hindi pa ito ang oras at panahon.
Hindi pa ito ang tamang pagkakataon
Para bumuo ng istoryang sa'tin nakatuon,
Siguro di pa tayo handa sa ngayon.Marami pa tayong dapat unahin
Tulad ng pamilya at pangarap natin.
Marami pa tayong problemang kakaharapin,
Di pa natatapos ang ating takbuhin.NGUNIT --
Ang iyong naging sambit sa akin,
“Kapag pwede na, sana pwede pa
Huwag kang mag-alala sa akin,
Lalo ko pang pagbubutihin.”Ang aking tugon,
“Sana kapag pwede na, nandyan ka pa,
At Kapag pwede na, sana ako pa.”
Patuloy mo sana akong hintayin
Hanggang sa muli tayong pagtagpuin.Kung tayo'y muling magtagpo
At kung sa pagkakataong ito ay pwede na tayo
Ikaw at ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko.
Asahan mong di na muling mabibigo.Inspired by: Tugmang Tula
----------------------------------------------
Reminder:No matter how long it takes, TRUE LOVE is always worth to wait. Go and chase your dreams because love can wait even if it takes a lifetime. Keep on figthing for your dreams my celimine✨✨
