ITO NA ANG HULI
Ito na ang huling beses na ipinaglaban kita.
Ito na ang huling beses na sasabihin kong mahal kita.
Ito na ang huling beses na ipagtatabuyan mo ko sa harap niya.
Ito na ang huli
Huling beses na ito dahil bibitawan na kita
Masakit man para sa akin
Pero kailangan kong tanggapin.
Lahat ay gagawinMapasaya lang ang DATING AKIN.
Pero bago ko tapusin ang tulang ito
Gusto kong magpasalamat sa iyo.
Salamat sa mga araw na naging masaya tayo.
Salamat sa mga bongga mong regalo.
Salamat sa pagtitiyaga mo sa ugali ko.
Salamat sa lahat ng magagandang alaalang iniwan mo.
Mahal ko, ito na ang huling beses na tatanungin kita.
Di ka na ba talaga babalik sa piling ko, oh aking sinta?
Di kita pipilitin kung ayaw mo na
Pero sana maging masaya ka sa piling ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/217638150-288-k745942.jpg)