PAGBABAGO
Para sa isang kabataang tulad ko
Na unti unting namumulat sa magulong mundo
At unti unting natututo
Sa mga bagay na nasa harap ko
Masasabi ko ngang mahalagang tumayo sa sarili nating mga paa
Upang matuto tayong mag-isa
Dahil may mga bagay talagang kailangang magbago
Hindi habang buhay nandyan sila para sayo
May mga taong mawawala at darating pero hindi lahat mananatili sa buhay mo
Darating yung araw na ikaw na lang ulit mag-isa
Ikaw na lang ang magiging lakas mo
Ikaw na lang ang magpapasaya sa sarili mo
Ikaw na lang ang lalaban para sa sarili mo
Mahirap man pero kailangan mong tiisin
Dahil parte ito ng buhay natin
Na kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa
At abutin ang mga pangarap natin ng tayo na lang mag-isa.
Walang perpektong tao
Lahat yan iiwan ka kapag hindi na nila gusto sayo
Pero may isang tao
Na alam kong kahit kailan 'di ako iiwan
May isang tao na kahit marami akong pagkukulang
Handa pa rin akong tulungan
Hindi ko man siya nakikita
Pero siya ay aking nararamdaman
Alam kong kahit kailan hindi niya ako pababayaan.
__________________________________
Hi guys favor naman pa vote😅
Keepsafe everyone ♥️ lablots